Chapter 12 - Bangungot

4.5K 172 2
                                    

012 - Bangungot

Nathalia's POV

"Wala kang laban. Malakas ang kalaban mo prinsesa. Tumigil ka na kung ayaw mo mapahamak ang mahal mo sa buhay"

Napaayos ako ng higa sa kama. Ang sinabi sa akin ni Asim ay paulit-ulit ko naririnig. Kilala niya ko. Nagbigay siya ng babala para sa kaligtasan ko kasama ang mahal ko sa buhay.

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan bumangon ako sa sarili kong higaan.

Umawang ang pintuan tumambad sa akin si Mama Lena na duguan. Umiiyak siya papunta sa gawi ko.

"Prinsesa kailangan mo tumakas!" bakit ko kailangan tumakas? Umalis ako sa higaan. Nakarinig ako ng sigawan ng mga katulong, mga putok ng baril, nabasag na gamit, ano ang nangyari?

"Mama Le—."napatakip ako ng bibig. Umubo si mama, Tumalsik ang dugo galing sa bibig niya. Bumagsak sa aking harapan si Mama "Kalaban...." ka-kalaban? "prin-sesa... tu.. makas.. kana parang-awa mona." umubo ulit si Mama lena. Napatulala nalang ako.

"Ma-mama Lena....Mama lena." inalog-alog ko si Mama. Nilapit ko ang tenga ko sa bibig niya. Napasinghap ako na hindi na siya humihinga may nararamdaman akong likido sa palad ko

dugo...

May tamang Bala sa bandang dibdib si Mama Lena.

"Wala kang laban. Malakas ang kalaban mo prinsessa. Tumigil ka na kung ayaw mo mapahamak ang mahal mo sa buhay."

"PRINSESA!" nagulat nalang ako. Naglalakad patungo sa akin si Mila natataranta siya "prin—."may narinig akong putok ng baril natumba sa harap ko si Mila at naliligo na siya sa preskong dugo na galing sa kanya.

"Ta-tama na."tinakpan ko ang tenga ko. Hindi ito maaari, panaginip ko lang to! unti-unti nang lumabas ang butil ng luha ko galing sa mata ko. Narinig ko ang halakhak ng isang demonyo "tama na! TAMA NA! AHHHH! MAMA LENA!!! MILA!!! TULUNGAN NIYO KO, AHHHHHH!"

Umiikot ang paningin ko. May mga nakikita akong natatakot na mukha sa paligid. Nanginginig akong umatras may mga kamay na mahaba ang pumasok at inaabot ako. Kinuha ko ang libro at pinagpapalo ito pero nagulat ako na may humila sa akin palabas.

Pa unti-unting lumalakas ang mabigat na yapak patungo sa akin, hindi—.

"Tumigil kana habang maaga pa..."

Napabangon ako sa higaan na hingal. Naliligo ako sa sariling pawis at bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako ang pintuan.

"MAMA LENA!?" sigaw ko wala akong narinig na tugon. Nanginginig ang kalamnan ko sa sobra kong taranta bumaba ako at bigla akong nadapa. Bumukas ang pintuan

demonyo...

Dahan dahan ako umupo sa sahig pero nakapikit ako.

natatakot ako.

"Prinsesa!?" narinig ko ang familiar na boses. Kaya minulat ko ang mata ko napa-iyak nalang ako nasa harapan ko dahil si Mama Lena na walang bala sa bandang dibdib.

"Mama Lena si Mila?" taranta kong tanong. Napataas naman siya ng kilay natawa siya ng bahagya.

"Nandito naman ako prinsesa..." napakunot ang noo ko "bakit mo naman hinahanap ang Imaginary maid mo?" ngumiti siya sa akin. Napailing ako habang tinititigan parin siya "prinsesa bakit?"

Sumigaw ako ng malakas sobrang lakas. Sumasakit ang lalamunan ko sa ginawa ko.

Nawala na ako katinuan

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now