Chapter 8

35.7K 895 148
                                    

Pasipol-sipol si More habang nakatingin ng mapanukso sa nakakatandang kapatid na seryosong nag-aayos ng mga ebidensya laban kay Sandro Hermosa para sa pagkakakulong nito.

"Benjamin, huh?" Hindi na napigilan ni More na magsalita dahil hindi siya pinapansin ng Kuya.

"Shut up. I'm busy." Magnus said coldly and ignore More.

"Ouch, ha! Pagkatapos kong tapusin ang pinalpak niyo na plano hindi mo ako aambunan ng chismis? Akala ko ba war kayo ni Miss Hera?"

Ang plano kasi ay makikipagtransaction siya na bumili ng druga para malaman kung sino ang Drug Lord. Pero ang humarap lang sa kanya ay ang kanang kamay nito. Malaking halaga ang bibilhin kuno niyang druga at nagbanta siyang hindi siya bibili kung hindi ang boss nito ang haharap sa kanya. That's their plan. Si Magnus at ang ibang tauhan nila ay nakatago lang sa labas at handang back up kung sakaling papalpak man siya. At malapit na nga niyang makaharap ang drug lord pero dahil may putukan sa baba naalarma ang mga kriminal kaya tinutukan siya ng baril. Mabuti na lang at nagsipasok ang mga tauhan nila at nailigtas siya.

Muntik na siyang mamatay-matay. Mabuti na lang at nahuli niya si Sandro Hermosa na nagtatago sa isa sa mga silid. Nabisto niya. May maipagmamayabang na naman siya kay Magnus pero nakakaputangina kasi naabutan niya itong nakikipaghalikan kay Hera Benjamin.

Muntik na siyang mamatay pero si Magnus nakuha pang lumandi. Kainggit.

Magnus glared at his loud half-brother. Binuksan niya ang isang drawer ng mesa at nilabas ang folder saka binagsak sa mesa.

"Why don't you help me in finding our other siblings?" Pag-iiwas ni Magnus sa usapan.

Napasimangot naman si More at lumapit para buklatin ang folder.

"Bakit pa kasi kailangan nating hanapin sila? Andami na nga natin. Nandiyan na si Max, si Mox, si Markian... Don't tell me marami pa tayo?" Reklamo ni More pero napatigil habang paisa-isang binuklat ang pahina kung saan naroon ang mga personal na detalye ng iba pa niyang kapatid.

Magnus Sebastian...the heir of Dozen Sebastian. The legal child because his mother is Dozen's wife. He's the oldest.

Maxwen Sebastian, the first bastard child, the second eldest. Still nowhere to be found.

More Sebastian. Pinaka-gwapo kahit bastardo, he just made that up on his mind. The second bastard, the third child. Was born with a golden spoon on his mouth. One of Sebastian Organization's claw in underground.

Pero nalukot ang mukha niya ng makitang may mas matanda pa pala sa kanya. Who's Maxwen? He never met him. At isa pa gusto niyang siya ang kasunod ni Magnus kasi sila ang pinaka-close, More just claimed it, sa kanilang lahat. Magnus seems trusting no one pero siya naman ang galamay nito kung may mga plano-plano. Katulad kanina. Siya ang ginawang pain.  Hays.

Mint Sebastian. The smartest technician.

Wow. Totropahin. Mukhang pinalaki ng mayayaman din ang ikatatlong bastardo.

Maximillion Sebastian. The guy with number of jobs. The most hardworking Sebastian but raised in a poor household.

"Kawawa talaga si Max pero nakaka-proud ang pagiging masipag niya. Pero ako ang napapagod sa kanya." Naisikatinig niya.

Nag-angat ng tingin si Magnus sa kanya at tinapunan siya ng malamig na tingin.

"That's why we have to gather all Dozen's bastards because not all Dozen's bastards are lucky with their life."

And Dozen, their father, is dying. Hinahanap na nito ang mga anak para sa kanya-kanya nitong mana.

"You're the legal child, Magnus. Pwede mong akuin ang lahat ng kayamanan ni Papa. Why are you still wasting your time finding those bastards when you gain nothing from it?" Seryosong tanong ni More.

Blazing Icy Billionaire (Hiraeth 1: Hera and Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon