Chapter 45 (A Valentines Special)

32.2K 825 113
                                    

Benjamin x Sebastian
Kolab #1

'Bardagulan'
Betlogan vs. Sesigan

"Okay, so nabalitaan ko na hindi pumalpak ang Sebastian sa pagpapanggap na Benjamin. Pero alam niyo kung sino ang pumalpak?" Uno asked.

Dos brows furrowed.

"Sino?"

"Tayo, gago! Tinatanong pa ba 'yan?!" Hellion hissed.

"Wow. Sino ba ang nag-ingay kaya hinabol tayo ng bala?" Pang-aasar ni Cinco.

Nasa bar sila. Cousins night out. Nasa baba lang sila at wala sa VIP room na nasa taas kasi isa sa mga room ay nandoon ang Ate Hera nila. Grabe talaga ang epekto ng pagbubuntis nito, hindi nito gusto ang ingay dati pero ngayon gustong matulog sa maingay na lugar.

Kanya-kanya silang inom ng alak. Hindi matanggap na pumalpak, at laban pa talaga sa mga Sebastian!

"30 more minutes at darating na ang mga Sebastian. We have to plan. We shouldn't fail as Benjamin never lose. Lalo na sa mga second lead." Seryosong saad ni Dence.

Pinapatawag kasi sila ni Magnus, and the Sebastians also. Ang sabi nito ay hinahanap daw sila ni Hera. She's looking for entertainment. Gagawin ba naman silang sirkus.

"We can win kung aabangan na natin sila sa labas. Suntukan na lang." Seryosong suhestiyon ni Hover.

"Good idea, Hover. Let's go---"

Agad na hinila ni Sais si Cinco para maupo ulit.

"We should play fair. Bakit ba kinakabahan kayo? N'ong naging second lead ba sila sa love story niyo, kinabahan ba kayo?" Sais hissed.

Agad na nanahimik si Helix, Quatro, Hakob at Homer. Iba ang pananahimik nila kasi mukhang guilty. Pinagselosan ba naman ang Sebastian dati.

"Have you done your research kung paano maging Sebastian?" Tanong ni Heixon.

Sabay na umiling ang mga ito.

"Anak ng---Shuta, bakit nandito na ang mga 'yan?!" Heixon gasped as the Sebastian entered the EAI bar.

Nagpalinga-linga ito sa paligid. Nang matagpuan sila ay lumapit ang mga 'to. Mc Simpson is surprisingly here. Knowing that he's Harvie's doctor in abroad. Halos kompleto amg Sebastian. Maliban kay Mix, Maxwen at ang batang Messiah.

"Si Kuya?" Max asked. Tinapik nito ang balikat ni Hakob na ngumiti naman pabalik ang huli.

Hinx' glare on his little brother and mouthed 'traitor'. Hakob just stared back innocent and shrugged as if he didn't do anything wrong.

"Nasa itaas. Natutulog pa si Ate Hera." Hakob answered.

Hover motioned the empty seats to be occupied by the Sebastians. Mabuti na lang at malawak ang mga upuan na pinorma ng bilog. Pinagkasya ang mga Benjamin at Sebastian. Bigla tuloy lumiit ang bar sa dalawang magkaribal na pamilya.

Hilaw na tumawa si Helix at tumayo. Pinatunog nito ang daliri habang nakaharap sa Sebastian.

"So...pinag-isipan niyo bang mabuti kung paano kami talunin? Paano ba 'yan, since birth pa lang talo na kayo sa 'min?" Panimulang pang-aasar ni Helix.

Blazing Icy Billionaire (Hiraeth 1: Hera and Magnus)Where stories live. Discover now