Chapter 1 : Introduction - Irritation

78.4K 1K 195
  • Dedicated kay myself
                                    

So yun na nga guys! This is my first work here. Alam kong medyo magulo saka medyo chaka yung takbo nito. Picture on the side is of SEHUN and TAO. Sila ang character representation ng ating mga bida. Okay lang ba sa inyo yun?

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

ALLEN'S POV

"Good morning, class!" bati ng isang prof na pumasok sa room namin. Prof ata namin ito sa klaseng ito.

"I'm Miss Andrea Cruz, and I'm gonna be your Humanities professor." sabi pa niya.

"Pero bilang first day naman at medyo hindi pa maayos ang lesson plan ko, we'll go with the class introduction na lang muna." nakangiti niyang sabi.

Naunang magpakilala yung grupo ng mga babae sa harap. Medyo hindi ko na agad sila gusto kasi nakikita ko, oo nakikita ko, ang B**CH aura na nakapalibot sa kanila.

Sumunod naman ang grupo ng mga GC, or commonly known as Grade Conscious, pero mukhang mas maiingay pa sa mga pato pag nasa labas ng classroom.

Nabigla na lang ako nang magtilian ang mga babae sa harap.

"I'm Karl Vincent Anacleto, 17 and my hobbies are playing basketball and playing computer games." sabi nung isang lalaki sa harap nang nakangiti.

In fairness, gwapo siya saka matangkad. No wonder, nalaglag panga nung mga babae sa harap.

Nung matapos siya ay umupo siya sa row na nasa harap ko.

I must say na head-turner talaga ang kagwapuhan niya pero hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya, okay pwede naman siguro hindi ko nga lang sasabihin.

After ng 10 pang introductions ay turn ko na.

Tinititigan ako nung mga b**ch sa harap hanggang sa makarating ako sa gitna. Tapos bigla silang nagbulungan.

"Hi. I'm Allen Estanislao and I'm 16 years old. I would like this subject to be as I expected." sabi ko.

"And what are you expecting, Mr. Estanislao?" tanong sakin ni ma'am

"Fun lectures and activities. Simple as that po." sagot ko.

"Hindi ko maipapangako yan pero sige, we'll try that." nakangiting sabi ni Ma'am.

Pabalik na sana ako sa upuan ko nang may bigla akong maalala.

Bumalik ako sa harap at tumapat sa harap nung mga b**ch.

"Oh, I almost forgot!..." panimula ko tapos tinignan ko sila. Nagbungisngisan naman sila na para bang kinikilig.

"I'm gay." nakangisi kong sabi sa kanila. Nakita kong nawala yung ngiti nila at napalitan yun ng pagkabigla.

Bumalik ako sa upuan ko ng pinipigilan ko yung tawa ko.

KARL VINCENT'S POV

What? Bakla siya? Siguro nagbibiro lang siya. Ang gwapo-gwapo niya, hindi naman ako bulag para hindi ko makita yun, tapos magiging bakla lang siya?

"Joke yun diba?" tanong ko sa kanya nung nakabalik na siya sa upuan niya.

"Huh?!" confused niya namang tanong sakin.

"About the 'gay' thing." sabi ko, hoping na maiintindihan niya ako.

Nakita kong napa-'Oh' siya tapos ngumiti.

"I'll never lie about my sexual preference nor make a joke about it." nakangiti niyang sagot sakin.

"Sus! Kunwari ka pa, playboy ka din eh." sabi ko.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon