Chapter 54 : Forced - Mad

10.4K 274 35
                                    

KARL VINCENT'S POV

"Apat na thesis agad? Tapos may mga plan-plan pa tayo na dala-dalawa pa. Ano pa bang ibibigay ng mga prof natin para patayin tayo?" atungal ni Jason sa amin nung malaman naming ganun nga karami ang projects namin this semester.

Oo, madami, pero yan kasi ang gusto ng mga magagaling naming propesor eh. Mapunta ba naman sa inyo mga terror na guro eh.

"Napaka-reklamador mo talaga! Kunwari ka pa eh kaya mo naman yang gawin kahit walang tulong namin. Saka tanga ka ba? Kagrupo mo kami diba? Para namang papagawa namin sa'yo ng mag-isa yan. Wala ka bang tiwala sa amin?" sabi naman ni Allen habang hawak ang syllabus namin at tinitignan ang mga aaralin namin sa isang subject.

"Eh paker naman kasi eh. Paano natin tatapusin yan within the sem? Ano tayo? Super computers?" reklamo niya ulit.

Magsasalita sana ako kaso biglang dumating si RR.

"Anong ginagawa niyo?" tanong niya habang paupo siya sa kasalungat ng upuan ni Allen.

"Break namin at ito namang si Jason, nag-i-inangit. Nagre-reklamo sa mga project namin. As if namang may magagawa kami sa desisyon ng mga prof namin hindi ba?" dire-diretsong sagot ni Allen habag patuloy pa rin sa pagbabasa nung syllabus.

Napatitig si RR kay Jason ay napailing.

"Ano yan!? Bakit ka umiiling? Konyatan kita dyan eh!" singhal ni Jason pero alam naming pabiro lang iyon.

Tinawanan siya ni RR pati ni Jomar, pero inisnab lang sila ni Jason. Si Allen, seryoso pa rin dun sa binabasa niya. Hindi ko alam kung anong nandun at ganun na lang siya kasubsob sa pagbabasa.

Nilapitan ko siya at pasimpleng tinabihan. Mahina kong tinabig yung balikat niya para kunin yung atensyon niya. Lumingon naman siya sa akin pero ibinalik niya din ang mukha niya sa papel nung wala akong masabi.

Naiinis na naman ako sa mga bagay na kumukuha ng atensyon niya. Hindi ba pwedeng pansinin niya ako ng maayos? Nakakairita kasi pag nagpapansin ka tapos wala naman siyang reaksyon.

"Allen, pwede ba tayong mag-usap?" biglang tanong ng isang lalaki.

Sabay kaming napalingon ni Allen at nakita namin si Jake na nakatayo sa likuran namin.

May balbas at bigote na siya. How long has it been since I last saw him? Two, three weeks? A month?

Napansin kong seryoso ang pagtitig niya kay Allen kaya agad akong tumayo at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Bakit? Bakit kailangan mo siyang kausapin?" agad kong tanong kay Jake.

Tinignan niya ako sa mata pero lumipat ang titig niya sa taong nasa likod ko.

"Allen, please?"

Hinawi na lang ako basta ni Allen tapos ay umalis silang dalawa ng kaibigan niya sa paningin namin.

Hindi ako makapaniwala na gagawin sa akin ni Allen yun. Binalewala niya ako kapalit ng pakikipag-usap niya sa kaibigan niyang patay na patay sa kanya?

Sa sobrang inis ko ay naupo na lang ako sa tabi ni Jomar at nanahimik.

Inakbayan niya ako at marahang hinimas ang balikat ko.

"Ayos lang yan. Magtiwala ka lang kay Allen." pabulong niyang sabi.

Magtiwala? Ang hirap magtiwala sa taong nambabalewala.

"Bakit ba parang galit na galit ka? Eh kakausapin lang naman ni Jake yung kaibigan niya. Para kang boyfriend na ayaw ipakausap ang syota niya kahit kanino." pagpupunto naman ni Jason habang naglalaro ng PSP niya.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon