Chapter 23 : Lie - Realization

19.6K 347 37
                                    

Sorry, this took so long pero base naman sa calculations ko ay pasok pa rin naman ako sa average updating days ko which is 3 days. Medyo marami lang kasing inasikaso like yung death anniversary ng lola ko at saka hanggang ngayon kasi ay nagtatalo pa rin kami ng parents ko kung magma-Masteral ba ako o maglo-Law, tapos madalas pa akong magkasakit dahil sa drastic weather changes. Sorry talaga kung natagalan.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

"Hoy Karl! Asan na yung cellphone ko? Mamaya may nagte-text na diyan ha?" paalala ko sa kanya.

Hawak na naman kasi niya cellphone ko! Palagi na niyang hinihiram yan para maglaro. Ang ganda-ganda naman ng cellphone niya, bakit hindi niya i-download yung larong yun sa phone niya. Tapos, minsan, pag ibabalik na niya sa akin yun, low batt na o kaya DEAD BATT na!

"Walang nagte-text. Palaro lang saglit." seryoso niyang sabi habang nagpipipindot siya sa cellphone ko.

Ang boring pag walang ginagawa sa breaktime eh. Kinuha niya phone ko, ano gagawin ko? Magbibilang ng estudyanteng dumadaan sa harap ng punong sinasandalan namin? Bureng nun dre!

"Alisin mo nga kamay mo. Hihiga ako." biglang utos ni Karl.

Bakit ko aalisin kamay ko, eh nasa kandungan ko kamay ko. Loko-loko 'to!

"Alisin mo na. Masakit likod ko sa kakasandal eh. Bilis! Pahiga na!" nagmamadali niya pang utos.

"Anong aalisin ko?! Eh nasa kandu--" natigilan ako sa pagbulyaw ko sa kanya nang hawakan niya yung braso ko at iangat iyon.

Inihiga niya yung ulo niya sa kandungan ko tapos pinatong niya yung kaliwang kamay ko sa bandang tiyan niya tapos yung kanan ko naman ay nakapangtukod sa sementadong upuan na inuupuan namin.

Oh, dear heart, hinay-hinay lang sa pagtibok. Cheeks, dahan-dahan lang sa pag-blush. At Allen! Huminahon ka kahit sobrang kinikilig ka!

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa tiyan niya pero hinila niya lang iyon pabalik. Nakipaghilahan ako ng sarili kong kamay hanggang sa ako na mismo ang sumuko. Ang lakas kasi niya at saka mukhang pursigido siyang pagmukhain akong kamatis!

"Ano, Karl, maraming nakatingin oh. Baka isipan nila ng masama itong nakikita nila." medyo kinakabahan kong sabi sa kanya. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng ulo niya kaya napatitig ako sa kanya.

"Ikaw, pag-iisipan mo ba ng masama 'tong ginagawa ko?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Shit po! Kailan pa naging ganun kaganda ang mata niya? Tapos yung ngiti niya, ibang-iba sa nakikita ko araw-araw! Anak ng tokwang nadurog dahil napiga ko sa sobrang kilig naman oh!

"So, ano? Pag-iisipan mo ba ng masama 'to? I mean, magkaibigan naman tayo diba? Wala namang masama kung gawin 'to ng magkaibigan, right?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin.

O-kay, panira ng mood yung 'friend' line mo pero sige, hahayaan kong gawin natin 'to kasi I am so kinikilig like I'm a freaking 14-year old girl! Hahaha.

"O-oo, I mean, hindi! Hindi ako mag-iisip ng masama." sagot ko na lang tapos umiwas ako ng tingin.

"Good. Kung sino mang mag-iisip ng masama, bubugbugin ko." mahina niyang sabi. Pero dahil narinig ko at nasa tiyan niya yung kamay ko ay hinampas ko siya.

Napa-aray siya tapos nalaglag yung cellphone ko sa dibdib niya. Buti naman dun lang.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong niya habang sapu-sapo niya ang tiyan niya.

"Ang sadista mo kasi!" sagot ko habang pinanlalakihan ko siya ng mata.

"Joke lang yun. Alam ko namang ayaw mo ng nananakit ako eh." nakangiti niya ulit na sabi tapos yung boses niya, parang pa-sweet.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon