Chapter 52 : Top - Steal

13.5K 300 88
                                    


Sheeeeeeeeet! Patayin niyo na ako! Pangit 'to, promise. Hahaha. Baka sa dulo lang kayo maging interesado! Hahahaha. XDD

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

KARL VINCENT'S POV

"Babe! Nasampay ko na yung mga nilabhan mo! Check mo kung tama!" pagtawag ko sa syota ko para tignan kung tama ba ang ginawa ko.

Inutusan niya kasi akong isampay yung nilabhan niya sa cable wires dito sa kalsada. Nung una, natakot ako kasi baka may mangyaring masama. Malay mo magkaroon ng short circuit dahil sa nahigit yung kable ng kuryente. O kaya maputulan ko ng kuryente ang isang bahay dito. Naku, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nangyari yun. Pero nung sinabi ni Allen na okay lang daw yun, sinunod ko naman. Wala ngang nangyari, bukod sa tilian ng mga babae at ilang kabaklaan kada iaangat ko ang kamay ko.

"Karl! Nandito lang ako sa pinto, hindi mo kailangang sumigaw!" sabi naman sa akin ni Allen tapos ay tumabi siya sa akin. Hinampas niya ako sa braso habang pansin ang pamumula ng pisngi niya.

"Bakit mo ako hinampas? Saka bakit ka namumula?" tanong ko sa kanya habang hinahawi ko yung bangs niya na nakatakip sa mukha niya.

Lalong namula yung pisngi niya at hinawi niya yung kamay ko.

"Gago ka ba? Nakakahiya ka! Tawagin mo ba naman akong 'Babe' sa gitna ng kalsada eh." pabulong niyang sabi sa akin habang nakayuko siya.

Natawa ako sa sinabi niya at napatingin ako sa paligid. Yung kumpulan ng mga babae't bakla sa di kalayuan ay hindi pa rin napapagod sa pagtili, pagngiti at pagkaway sa akin. Pero ako naman, hindi napapagod sa pagmamahal sa taong nasa tabi ko.

Inakbayan ko siya at hinalikan sa pisngi. Sa harap ng mga kapitbahay namin. Yung iba ay nagtilian at naghiyawan. Ang iba nama'y parang nadismaya. Yung iba nanghinayang. Yung iba masaya. Pero wala akong paki sa kanila dahil hindi sila ang mahal ko. Si Allen ang mahal ko at siya lang ang mahalaga sa akin.

"Gago ka talaga!" pabulong niyang sabi, nakayuko pa rin siya.

"Bakit naman?" tanong ko naman sa kanya tapos ay hinawakan ko yung baba niya para iangat ang mukha niya. Gusto kong makita yung mukha niya.

Grabe pa rin yung pamumula ng mukha niya! Hahaha.

"Nakakahiya!" mahina niyang sabi sa akin tapos ay napapikit siya.

Kinuha ko ang pagkakataon na yun para bigyan siya ng halik sa labi. Halik na magpapatunay na hindi ako nahihiya sa kung ano mang meron sa pagitan namin. Besides, lugar nila 'to kaya wala akong dapat na ikahiya. Hahahaha.

Lalong lumakas ang tilian at hiyawan ng mga kapitbahay namin kaya naisipan kong lumevel up. Isinukbit ko sa baywang ni Allen ang isa ko pang kamay at hinigit ko lalo siya palapit sa katawan ko. Lalo ko ding idiniin ang halik ko at pinasadahan ko ng dila ko yung labi niya. Pero nagpigil akong i-devour siya sa gitna ng kalsada dahil naalala kong baka mapagalitan kami ni Tita. At ayokong ma-disappoint uli sa akin si Allen.

Bumitaw na lang agad ako at bumalik sa pagkaka-akbay kay Allen. Sabay kaming pumasok ng bahay at umupo sa sofa.

Napansin kong hindi pa rin humuhupa yung pamumula ng pisngi niya kaya napag-desisyunan kong halikan siya sa pisngi ulit.

"Ay ano ka ba naman!? Namimihasa ka na ah?" suway niya sa akin tapos ay tinakpan niya yung mga pisngi niya.

"Kasi naman eh. Tini-tease mo akong halikan ka ng halikan. Yan tuloy, nahalikan kita sa harap ng mga kapitbahay natin." pabiro kong paninisi sa kanya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now