Chapter 30 : Tryouts - Pretend

18.1K 356 36
                                    

ALLEN'S POV

"Karl, please! Sige na naman! Kailangan natin ng representative eh! Hindi pwedeng wala tayo dun!" pamimilit ko dito sa kumag kong kaibigan na ayaw akong pagbigyan na mag-tryout sila para sa college team namin na lalaban sa intramurals.

"Ayoko." monotonous niyang sagot.

"Sige naaaa~! Gagawin ko lahat ng gusto mo, mag-tryout lang kayo! Kaaaarl~!" ayan ha!? Lumuhod na ako sa harap mo! Pag ikaw hindi pa pumayag, papalapa kita sa piranha!

"Tumayo ka nga dyan! Ang daming nakatingin oh! Nakakahiya!" sabi niya sa akin habang hinihila ang braso ko.

Pero hindi ako nagpatinag! Hangga't hindi siya pumapayag, hindi ako tatayo. Hindi ako aalis sa pagkakaluhod ko kahit nakatapat yung ulo ko sa ano niya! Ahh! Control, control, kontrolin mo sarili mo Allen! Nasa school kayo! Hahaha.

"Allen! Tumayo ka na dyan! Oo na! Magta-tryout na kami! Tumayo ka na dyan! Sige na! Dali!" ayan! Yoohoo!

Agad akong tumayo para pasalamatan siya pero, dahil sa medyo nabigla yung tuhod ko sa biglaang pagbabago ng pressure ay, na-out of balance ako. Napapikit ako dahil sa katangahan ko, at saka para maghanda na rin sa impact na matatanggap ko mula sa pagbagsak ko sa kung saan mang bagay yun. Laking gulat ko na lang nang bumagsak ang ulo ko sa isang matigas, pero hindi naman ubod ng tigas na parang bato na, na bagay na medyo mainit na medyo parang humihinga din.

"Okay ka lang?" biglang tanong ni Karl na nung nag-angat ako ng ulo ko ay bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Teka, bakit may mukha niya ang kinabagsakan ko? Saka huli kong tanda, paatras ang bagsak ko ah?

At saka bakit nakapulupot ho sa likod ko yung kamay niya!?

Agad akong umayos ng tayo at humakbang paatras mula sa kanya.

"Sorry." mahina kong sabi habang nakayuko. Nakakahiya kasi!

"Okay ka lang?" tanong niya muli.

Tumango naman ako tapos hinawakan ko ang pisngi ko.

"S-sige. Mauna na ako ha? Sasabihan ko lang si MJ na sasali kayo sa tryouts." sabi ko na lang tapos tumakbo na ako palayo.

KARL VINCENT'S POV

And we're back to being normal.

Yung eksena kanina, by reflex na lang yun. Babagsak siya sa semento eh. Pero yung yakap? Ewan ko ba. Parang reflex lang din na pinigilan ko pero natuloy pa din. Gets?

Ganyan na si Allen para sa akin. Isang malaking temptasyon.

Sa tuwing nakikita ko siya, para bang gusto ko siyang dikitan at hawakan. Pero hindi pwede eh, baka maulit na naman yung mga nangyari sa amin at mag-away na naman kami. Better be safe than sorry. Okay na ako sa pagkakaibigan namin, at least, kahit papaano, nakakasama ko siya. Parehas kaming masaya.

"Par, ayan na naman yung stalker mo." biglang sabi ni Jason tapos nakatingin siya sa di-kalayuan.

Ayan na naman siya! Akala ko tumigil na siya.

"Karl, can we talk?" tanong ni stalker dude.

"Ha? Talk!? Why should I bother talking to you eh ni hindi nga kita kilala." pagsusungit ko sa kanya tapos lumayo ako mula kina Jason papunta sa kiosk. Sinundan naman niya ako pero he kept his distance.

"Okay, magpapakilala na. I am THE Marcelino Wong. Ngayon, pwede na tayong mag-usap?" sabi ni stalker dude, ay hindi, may pangalan na nga pala siya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now