Chapter 29 : Reconciliation - Friends

17.9K 343 38
                                    

8 hours!? Dahil sa may mapilit dyan na gusto na akong mag-update, ito na po! Dinugo ako dahil sa chapter na 'to. Walang isang araw kong ginawa ito kaya kung may makita kayong mali o kung anumang fault, o kaya naman may hindi kayo nagustuhan, pagpasensiyahan niyo na lang muna. Yan lang kinaya ng utak ko eh. At least, may update! Hahaha. Aayusin ko na lang 'to pag sinipag ako ulit. Hehehe.

And, basahin niyo po yung isa ko pang gawa, yung 'First Love'. Na ginagawan ng ibang title ng isa dyan! Kilala mo kung sino ka! Hahaha. XDD

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Peste! Ganito pala kahirap ma-appoint bilang 'Events and Program Director'! Ang gulo! Ang hirap mag-manage ng events at program! Isang malaking hassle!

"Allen! Yung back-drop ba naipagawa mo na?" tanong sa akin ni MJ, nasa meeting kami ngayon.

"Yeah. Kaso may kulang pa. Yung flowers for the stage at saka yung hinihingi kong programme sa'yo wala pa. Yung participants ng every contest kailangan ko ding makuha para maiayos ko sila sa backstage kaso hanggang ngayon yung sa amin pa lang ang nakakapag-pasa ng info. Tapos yung design ng registration booth hanggang ngayon wala pang linaw. Puro usap, wala namang napapatupad." sabi ko sa kanya habang binabasa ko ang mga isinulat ko sa notepad ko.

"Sige, I'll tend to that. As much as possible, gawin mo na lahat ng makakaya mo para mapabilis tayo. Hindi ko maasahan yung iba eh." sabi ni MJ.

"Sige. Pero ililibre mo ako, pagtapos ng event na 'to ha? Pinagod mo ako! Napuyat ako ng ilang araw!" sabi ko sa kanya tapos ay ginulo niya ang buhok ko.

Oo, nga pala! 2nd sem na namin at na-appoint ako bilang 'Events and Program Director'. Peste kasing MJ 'to eh. Pinilit ako!

Remember the box he gave me? Ang GANDA ng laman nun!

*FLASHBACK*

Oo nga pala! Yung box ni MJ nalimutan kong buksan!

Nasaan na nga ba yun? Ayun!

Agad kong binuksan yun at natawa ako sa laman! Puro maliliit na piraso ng makukulay na papel at may nakatuping papel na kulay itim naman sa gitna.

Kinuha ko iyon at binuksan. Na-cute-an ako sa silver-inked na marker na ginamit niyang panulat. Ang lakas maka-portfolio ha? So high school! Hahaha.

Nakasulat sa papel:

|Can you be my .... EVENTS AND PROGRAM DIRECTOR? Fit ka kasi sa position eh. Please? :))))|

What the!? Director ng alin!? Gagawa kami ng pelikula!? What!?

*END OF FLASHBACK*

Tapos ayun! Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, iniwasan ko siya! Pero nag-away naman kami ni Karl kaya um-agree din ako, para kahit papaano ay hindi ko maisip na nagagalit ako sa lalaking yun!

Speaking of which, bakit ba ako nagalit sa kanya? Dahil dun sa sinabi niyang gusto niya ako pero walang kwenta daw? Parang ang babaw ko dun ah? Parang walang basis yung galit ko. Lasing siya eh, wala talaga siyang kontrol sa mga sinasabi niya. Minsan talaga ang tanga ko din eh, palagi ko na lang pinapairal yung impulsiveness ko.

Kausapin ko kaya siya? Sayang naman yung FRIENDSHIP namin diba?

Okay na ako sa friends lang. Basta magkaayos lang kami. Pero paano? Nakakahiyang magtext sa kanya after ng mga pinakita ko sa kanyang katarantaduhan! Argh! Paano!?

"Paano!?" bigla kong naibulalas dahil sa sobrang pag-iisip!

Napatingin naman ang ibang tao sa akin pero nginitian ko lang sila.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now