Chapter 25 : Box - Nicks

23.3K 368 71
                                    

Pasensya ulit kung inaabot na ako ng halos isang linggo bago mag-upload. Nauubusan na kasi ako ng ideas eh. Kaya ngayon, nauubos oras ko sa panunuod ng mga 'romantic' na pelikula at saka sa pagbabasa ng ibang libro na may kaparehas ng tema.

Anyways, bagong chapter na! Hahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

"Allen!" ano na naman, Karl!?

Oof! Back hug na naman? Natutuwa-tuwa ka na sa pagyakap-yakap mo sa akin ha?

"Bitawan mo nga ako! Ano bang kailangan mo't nanggugulo ka sa groupings?" tanong ko sa kanya.

"Hoy! Kagrupo mo din ako, baka nalilimutan mo! Saka wala naman yung iba ah!?" sabi niya mula sa likod ko tapos pumunta siya sa harap ko at may nilabas siya sa bag niya.

Isang box na kasing laki ng box ng relo. Relo ba 'to? Naku! Wag naman sana, puro gastos na lang siya eh.

Inabot niya sa akin yun tapos ay hinila niya ako paupo sa damuhan, umupo siya sa harap ko, at sinenyasan akong buksan yun.

Kabado kong sinuri yung itim na box tapos titingin ako sa kanya, hoping na maiinip siya at siya na ang magbubukas nun o kaya sasabihin na lang niya ang laman nun.

Nung bubuksan ko na yung takip ay biglang dumating si MJ.

Umupo siya sa tabi ko tapos ay pinisil na naman niya ang pisngi ko.

"Hoy, cute! Salamat ha? Nanalo ako dahil sa'yo." nakangiti niyang sabi. What's with the cute? Nickname niya ba sa akin yun?

"Tss. Anong pinagpapasalamat mo? Eh isang boto lang naman ako ah?" sabi ko sa kanya tapos itinabi ko muna yung box sa gilid ko.

Pinisil niya ulit yung pisngi ko tapos ay ginulo niya yung buhok ko. Nung tanggalin niya yung kamay niya ay tinampal ko yung pisngi ko at diniin ko dun ang palad ko tapos saka ko inayos yung buhok ko.

"Ang cute-cute mo talaga! Eh kasi nga dahil sa'yo nanalo ako. Sabi kasi ng ibang bumoto, ibinoto daw nila ako dahil sa'yo. Na-cute-an kasi sila sa'yo nung samahan mo akong mag-room to room." ang babaw naman ng mga ka-course namin! Tss. Bigla niya akong tinapik sa balikat tapos may inabot siyang box din mula sa likod niya.

Saan galing yun? Kanina parang wala naman siyang dala-dala ah?

Inabot niya sa akin yung box kaya kinuha ko naman agad.

"Ano 'to?" curious kong tanong habang inaalog-alog yung box.

Pinigilan niya ako at umiling siya.

"Mamaya mo na buksan yan pag umalis na ako. Baka kasi pag alam mong nandito ako, hindi ko makita yung ine-expect ko." nakangiti at mahina niyang sabi.

Tumango na lang ako tapos ay saka siya umalis.

Inalog ko ulit yung box pero parang wala namang laman. Nakaka-curious na talaga ha? Mabuksan na nga.

Dahan-dahan kong hinawakan yung takip at hinila pabukas. Pero hindi ko pa nahihila ng buo yung takip ay may humila nito mula sa akin. Ano bang meron at may pumipigil sa akin na magbukas ng mga kahon ngayon? Nakaka-Pandora's Box naman ang peg sa sobrang dami ng hindrances.

Nilapag ng kumuha yung box sa kabilang side ko.

"Ano ba yun, Jake?" tanong ko sa kaibigan kong mukha nang nakakatakot dahil sa sobrang creepy ng ngiti.

"May ibibigay ako sa'yo." sabi niya.

"Ano yun? And would you please stop smiling? It's freaking creepy!" utos ko sa kanya at inalis naman niya agad yung creepy smile niya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now