Chapter 16 : CPR - Almost

19.7K 373 42
                                    

ALLEN'S POV

Tang! Punyetang Karl 'to! Tinatakam ako every P.E. namin! Andyang, lalapit siya sa akin, ng naka-trunks lang, at ipapaabot yung towel niya kahit kaya naman niyang abutin. Minsan din kapag nasa pool kaming lahat ay didikit siya sa may bandang likuran ko. Tapos kahapon, ay naku! Kainis na nakakakilig na para bang gusto kong pukpukin ng bato ang ulo ko!

*FLASHBACK*

"Okay class, today we will be discussing about first aid. Ipapakita ko sa inyo kung paano magligtas ng nalulunod na tao at paano mag-CPR." bungad ng prof namin. Babae ang prof namin at sa tingin ko ay nasa 28 o 29 na siya. May itsura din si Ma'am kaya mas kapansin-pansin na mas madaming lalaki dito sa klase namin kesa babae. 22 kaming lalaki at 5 ang babae. Naku, sana lang makapagpigil yung 21 na lalaki. Hehehe.

"Humanap kayo ng mga kapares niyo. Mas maganda kung kakilala niyo na, para naman mas kumportable na kayo sa isa't-isa." sabi pa ng prof namin.

Edi si Karl ang kapartner ko? YES! Enjoy ang P.E. namin! YES na YES!

"ALLLLEEEEEENNNN!" ay shit! Nalimutan ko bang sabihin na kaklase din namin sa P.E. si RR?

Nung lingunin ko yung direksyon ni RR ay nakita kong tumatakbo siya papunta sa akin. Pero bago pa siya makalapit sa akin ay inakbayan ako ni Karl.

"Hoy! Pangit! Bitawan mo nga si Allen! Partner ko siya!" sigaw ni RR habang nakaduro kay Karl at galit na lumalakad papunta sa amin.

"Asa ka! Nauna na ako! Partner na kami ni Allen." ramdam ko ang pagngisi ni Karl kahit hindi ko kita ang mukha niya.

At ako naman syempre nag-blush! Unexpected kasi eh.

"No! Boyfriend ko si Allen kaya dapat kami ang magkapartner." sabi ni RR with her booming voice! Nyeta! Dinig na dinig sa buong area yung pinagsasasabi niya ha?

"Let me remind you some things ha? Una, alam kong wala kayong relasyon ni Allen at ikaw lang ang gumagawa ng istoryang kayo nga. Pangalawa, marami pa tayong kaklase kaya marami ka pang pwedeng kapartner. At pangatlo, wag kang sumigaw kasi you look lowly when you do that." sabi ni Karl kay RR.

Pero itong babaeng 'to parang hindi natinag! Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako.

"Layuan mo kami ni Allen, kundi masasaktan ka sa akin." pagbabanta sa kanya ni RR.

Hay nakow! Kung pwede lang manulak at mantadyak ng babae baka ginawa ko na yun sa babaeng 'to. Kaso lumaki akong may paggalang sa mga babae eh.

Nagtitigan naman silang dalawa at kinilabutan ako dun. Para kasing may kuryente sa pagitan nila eh.

"Sino ba sa inyong tatlo ang magkapartner? Kasi kayo na lang ang hindi pa nakakapili eh." biglang singit naman ng prof namin.

"Kami po!" sabay na sigaw ng dalawa habang hinihila ako sa side nila.

"Hay, hindi pwedeng tatlo kayo. Yung isa sa inyo, magiging kapartner ko na lang." sabi ni Ma'am.

"Ma'am kami po ni Allen ang magka-partner. Yang pangit na lalaking yan ang kunin niyong partner!" sabi ni RR tapos binatuhan niya ng matalim na titig si Karl.

"Hindi po Ma'am! Kami po ni Allen ang magka-partner! Yang babaeng yan ang kunin niyong partner niyo!" ganti naman ni Karl habang humihigpit yung pag-akbay niya.

Nag-eyeroll lang si Ma'am at bumuntong-hininga.

"Oh sige, kayo lang ang papayagan kong mag-tatluhan ha? Pero ayusin niyo ang ginagawa niyo. Kahit P.E. lang 'to, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na ibagsak kayo kung kinakailangan." sabi ni Ma'am tapos binalikan na ang iba.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now