Chapter 58 : Don't - Enough

13.2K 270 90
                                    

Pasensya na kung natagalan. Wala kasi talaga sa hulog utak ko eh. Ang dami kong nakausap na minotivate ako sa paggawa pero hindi ko talaga kayang i-push ang sarili ko. Makikita niyo sa chapter na 'to kung gaano talaga ako ka-off ang utak ko sa paggawa. Anyways, tatlong linggo ko 'tong ginawa nang walang pag-backread, walang pag-proofread, walang pag-edit. Minsan nalilimutan ko na yung nauna kong nagawang eksena kaya nagugulo yung mga kasunod. Sana lang hindi kayo mahirapan sa pagbabasa lalo na sa mga dialogues, pero alam ko namang mage-gets niyo yun eh kahit hindi ko pinatungkol kung sino nagsabi. Tinamad na kasi akong gawin yun. Plus, wala si Claire dito. Panira lang ng expectations niyo. Hehehe.

Kinakabahan na talaga ako sa pagtatapos ng istoryang 'to. Be easy on me. :3

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

ALLEN'S POV

*FLASHBACK*

"Allen. Sino yung sumundo sa'yo kagabi sa bar?" agad na tanong sa akin ni Karl nung magkita kami sa bakanteng lote na sinasabi niya.

"Si Diego. Malapit lang bahay niya dito eh, dun na ako nakitulog." diretsahan ko namang sagot. Alam kong ayaw niyang nakakarinig ng ibang pangalan ng lalaki pag ako ang pinag-uusapan. Pero mahalaga pa ba yun ngayon? Nag-break na kami eh. Nasa solian na nga kami oh.

"Hindi ka man lang nagpaalam?" tanong niya. See? Kahit hindi na siya involved, idadamay at idadamay niya sarili niya pag may ibang lalaki akong kasama.

"Kanino? Sa'yo? Bakit ko gagawin yun? At saka bakit yan ang pinag-uusapan natin? Nandito ako para ibalik ang mga gamit na 'to." sarcastic kong sabi sa kanya tapos ay iniabot ko sa kanya yung box na dala ko.

Binuksan niya ang box at hinawakan yung bracelet na binigay niya sa akin. Para siyang malungkot nung tignan niya yung bracelet pero hindi ako nagpadala. Baka mabilog niya ulo ko eh.

"Pero sa'yo 'to. Lahat 'to para sa'yo." malungkot niyang sabi. Ipinapakita niya pa sa akin yung bracelet.

"Pero yan ang nagpapaalala sa akin sa'yo. Hindi ba pwedeng mag-move on din ako?" pagdepensa ko.

"Allen naman. Pagpaliwanagin mo muna ako." sabi niya kaya tinignan ko siya sa mukha at kinunutan ng noo.

"Karl. Wag na, please? Baka lalo lang akong masaktan eh. Tama na muna 'tong mga pinaggagagawa mo sa akin. Ikaw ang una ko kaya hindi madali para sa akin 'to." pakiusap ko sa kanya.

"Allen naman kasi. Hindi 'to katulad ng iniisip mo."

"Ay, paano ba? Nakipagbalikan ka sa ex mo dahil gusto mo ng kakwentuhan? Gusto mo ng makakapagpaaliw sa'yo? Kaya ko naman lahat yun ah? Lahat, Karl, lahat. Wala akong hindi kayang gawin para sa'yo pero hindi mo ata pansin yun at ayan ka, bumalik sa dati mong mahal. Tama din naman na siya ang pinili mo eh. Maganda, mayaman, BABAE."

Tumalikod ako at humakbang na palayo. Pero pinigilan ako ng isang kamay at pumulupot ito sa akin.

Parang vacuum yun na kinuha ang lakas ko at pinilit na palabasin ang luha ko. Nanghina ako at napasalampak sa sahig kasama ang taong nakayakap sa akin. Taong hindi na akin...

*END OF FLASHBACK*

"Hindi ba pwedeng tayo na lang ang magkasama?" tanong ko kay Jomar nung sinabi niyang mag-i-interview kami ng ilang tao para sa thesis namin. Ang pangit sa ibinalita niya, kasama ko si Karl.

Isang buwan na mula nang mangyari yung eksena namin sa bakanteng lote. In the end, hindi rin siya nakapagpaliwanag. Umiyak ako, siya, busy sa pagyakap sa akin. Matapos yun, nagsimula na akong umiwas sa kanya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now