Chapter 17 : Assembly - Treat

22.9K 409 65
                                    

ALLEN'S POV

Hay, sarap ng buhay first year. Walang masyadong ginagawa, walang masyadong stress bukod sa schoolworks.

"Oi, Allen! Pinapatawag ka sa faculty room. May meeting daw kayo." sabi ni Aaron, yung bully na sinupalpal ko nung 1st sem? Medyo civilized na siya makitungo sa akin. Haha.

"Anong meeting? Hindi naman ako officer ah?" confused kong tanong sa kanya.

"Aba malay ko sa inyo. Basta ako nautusan lang ng prof." sabi niya tapos umupo na siya sa usual seat niya sa likod.

10 pa ang klase namin pero, in fairness sa kanya ha? Ang aga niya pumasok. 9:30?!

Bumaba na lang ako para malaman kung ano ang meeting na yun.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng faculty room at nakita ko ang kumpol ng estudyante sa kabilang side ng kwarto.

"Ayan na ata yung president ng first year, block 1 eh." biglang sabi ng isang lalaki kaya nagsilingunan yung iba sa akin.

Sinenyasan nila akong lumapit kaya ginawa ko naman.

Umakbay sa akin ang isang lalaki nung makalapit na ako. Mukhang higher year siya, mas matangkad sa akin eh. Haha.

"Kumpleto na tayo. Shall we introduce ourselves? Matagal-tagal pa tayong magkakasama eh." masiglang sabi nung lalaking umakbay sa akin.

"Hi. I'm Diego Castro but my friends call me Diegz or DC. I'm the president of 1st year, block 2." nakangiting sabi ng morenong lalaki na kasing tangkad ko lang.

So, 2 blocks pala kami? Hindi ko feel! Hindi naman kasi kami close sa ibang block eh.

"Hi. Ako naman po si Marivic Reyes. Ang 2nd year, block 1 president." sabi naman ng isang medyo nerdy na babae. Nakasalamin saka medyo, well, nerdy yung look eh. Huehue.

"And I'm Mika Mallari. 2nd year, block 2 prez." nakangiting sabi ng isang maputing babae. Bakit naging president 'to? Eh mukhang pang-muse datingan nito eh. Tss.

"John Ollie Antonio at your service. 3rd year, block 1 president." sabi nung lalaking maputi na nakaupo sa tapat ko. Eto naman, pang-escort ang datingan.

"I'm Dina Mapakali. Hahaha. Joke lang. I am Divine Ronquillo. 4th year president. Ganda ko 'no?" pabirong sabi naman ng medyo chubby na babae. Ang galing niyang mag-joke. Napaka-funny nung last line na sinabi niya.

"And I am Miguel Joseph Laxamana. 3rd year, block 2 president." sabi nung lalaking nakaakbay sa akin, habang nakataas yung kabilang kamay niya at kinakawayan ang iba.

Tumingin na lang ako sa kabilang direksyon kasi na-awkward-an ako sa kanya. Napaka-friendly naman nito! Makakaway akala mo sinalubong sa airport!

"Oy ikaw na!" biglang sabi ni Miguel or Joseph or Miguel Joseph or MJ or kung anuman ang dapat kong itawag sa kanya tapos niyugyog niya ako. Grabe! Sana sinakal niya na lang ako.

"Ako si Allen Estanislao. 1st year, block 1 REPRESENTATIVE." diniinan ko yung salitang 'representative' para naman maintindihan nila na hindi ako ang president ng klase namin.

"Eh sino naman ang president niyo?" tanong ni MJ. MJ na lang itatawag ko sa kanya, ang haba kasi ng real name niya eh.

"Sa totoo lang, wala pa po eh. Never po kaming nagbotohan for homeroom officers." sabi ko.

"Wag mo nga akong po-in! Hindi naman nagkakalayo edad natin eh." nakangiti niyang sabi. Wow, gwapo pala 'to? Naku, naku!

Nginitian ko lang din siya bilang pag-sang-ayon. Pero bigla niyang pinisil yung magkabila kong pisngi! Araaaaaay!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now