Chapter 27 : Hangover - Forget

18.9K 344 35
                                    

Sorry, guys! Umiral kasi bipolarity ko sa kalagitnaan ng paggawa ko nito tapos nabura ko pa yung malaking part nito! habang nagda-draft ako, kaya I have to freaking force my brain to remember what I have written. Sinabayan pa ng elfshit na DEPRESSION! Nagpatulong na ako sa bestfriend ko to write this kaso, it's of no use. Crappy talaga yung dating. I deeply apologize for this shitty chapter. :(((

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Oo naman, syempre, sasakit ang ulo ko pagkagising ko. Magpakalunod ka ba naman sa pagkarami-raming beer eh.

Pero sino ang naghatid sa akin dito? Si Jason? Hindi, pihado ako, lasing din yun eh. Pwede pa si Jomar dahil mukhang hindi naman siya masyadong uminom kagabi. Hmm, si Jomar nga siguro.

Makapag-kape nga muna para masaya.

Wait!

Bakit bago na T-shirt na suot ko? Sino nag-alaga sa akin? Sigurado kasi ako na sched ni Manang kahapon para maglinis at magligpit ng mga kwarto, though, alam kong uunahin niya ako ay hindi niya kayang gawin ang mga 'to. Hmmm.

Tumayo na ako at bumaba na. Pagpasok ko sa kusina ay bumungad agad sa akin si Mommy.

"Morning, Mi!" bati ko sa kanya.

"Mag-usap nga tayo. Anong nangyari at uminom ka kagabi?" tanong niya.

Umupo naman ako sa tapat niya at kumuha ng tinapay. Nagpatimpla din ako ng kape kay Manang for my hangover.

"Wala naman po. Nagkasiyahan lang." palusot ko. Alangan namang sabihin ko na, 'Heart-broken po kasi ako dahil sa isang LALAKI!'.

"Ganun? Okay lang na uminom ka, pero diba sabi ko wag kang magka-cutting? Tinext ni Jomar yun sa akin kagabi, akala mo ha?" sabi niya. Tch. Si Jomar talaga.

"Opo, Mi. Sorry talaga. Hindi na po ako magka-cutting. After class na lang kami magha-happy-happy." nakangiti kong sabi sa kanya saka ako kumagat ng tinapay.

"Sino naghatid nga pala sa'yo dito? Lasing na lasing ka daw ah?" tanong niya ulit.

Sino nga ba? Hindi ko talaga alam eh. Wala akong matandaan!

Ang huli kong tanda eh nakita ko si Allen, pero sigurado akong hindi yun yung totoong Allen kasi wala namang paki yun sa akin eh. Iniiwasan niya nga ako diba? Kaya imposibleng siya ang maghahatid sa akin dito.

"Hindi ko po alam eh. Wala po akong matandaan eh." sabi ko na lang tapos ay nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Tinanong mo ba kay Manang?" biglang tanong ni Mommy.

Oo nga ano? Bakit hindi ko naisip yun?

Dali-dali akong pumunta kay Manang at nagtanong. Tama ang hinala ko, si Jomar nga ang naghatid sa akin.

Bumalik na ako ulit sa pagkain at nung matapos ako ay nagsabi ako kay Mommy na after lunch na ako papasok, magpapahinga muna ako. Pumayag naman siya kaya nagkulong agad ako sa kwarto.

Hinanap ko yung cellphone ko at laking gulat ko ng makita ko ang text messages at tawag na natanggap ko.

28 messages at 6 na missed calls!?

Wow! Sino ba naka-miss sa akin ng ganito? Hehe.

Natural, sina Jason at Jomar ang pinaka-mag-aalala. Pero may isang text na nakapagpakunot ng noo ko.

[Hi! :)))) ]

Damn! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko!

Operation: Forgetting Allen Estanislao, failed! Epic fail!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now