Chapter 57 : Hurt - Decision

9.5K 253 54
                                    

Supposedly, tatlong chapter dapat 'tong event na 'to na maglalaman ng halos 2 buwan na timeframe, kaso siniksik ko siya sa isang chapter na may timespan na 2-3 days lang. Pag ginawa ko kasi yung original na plano ko, hahaba pa yung takbo ng story. Lately kasi, nahihirapan na akong mag-isip ng ideas. Though may ending na ako para dito, nahihirapan akong mag-isip ng pang-fill in towards the last chapter.

Speaking of endings, malapit na po 'tong magtapos. Sana suportahan niyo 'to till the end. :))

At bilang puro bad news naman ang naidulot ko ngayong chapter, dagdagan pa natin. Hahaha. Mahihilo kayo ngayon kasi papalit-palit ng POVs yung dalawa. Gusto ko kasing i-point out yung views nila kahit hindi naman na dapat. Medyo magulo din 'to kasi alam niyo na, walang mapaghugutan. Hahaha.

Masyado nang mahaba, basahin niyo na nga lang yung chapter. Baka naiinis na kayo sa mga pinagsasasabi ko eh. XD

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

KARL VINCENT'S POV

/ Pauwi na po ako. Nagtaxi po ako. Kayo na magbayad ng pamasahe ha? / sabi ko kay Mommy nung sagutin ko ang tawag niya.

Halos kalahati na ang nabiyahe ko bago niya ako matawagan. Dumiretso na nga ako palabas kasi baka maabutan pa ako ni Jomar at baka manguwestiyon pa. Hindi pa ako handang sumagot sa mga itatanong sa akin at sa pagitan namin ni Allen eh.

/ Oo, sige. Ingat ha? / sabi naman niya kaya tinapos ko na ang tawag.

Matapos ang tawag na iyon ay napatingin uli ako sa kawalan.

Si Allen. Kumusta kaya siya ngayon? Galit na galit ba siya sa akin? Naiintindihan ko naman kung magagalit siya eh. Ginago ko siya. Sinaktan ko siya kaya walang rason para hindi siya magalit sa akin.

"Andito na po tayo." biglang sabi ng driver kaya natauhan ako at napatingin sa labas.

Nandito na nga ako sa tapat ng bahay namin. Ang bahay na ayaw kong uwian dahil sa mga problemang nasa loob nito pero at the same time, gusto kong balikan dahil sa mga memories namin ni Allen dito.

"Ah, manong? Sandali lang ho ah? Tatawagin ko lang yung magbabayad." sabi ko kay Manong tapos ay lumabas na ako para pindutin yung doorbell.

Si Manang ang sumalubong sa akin pero bumalik siya sa loob saglit at si Mommy naman ang nagpakita.

"Karl! Na-miss kita anak!"

"Mamaya na, Mi. Bayaran mo muna yung taxi."

Habang nagbabayad siya ay dumiretso ako sa loob.

Napansin kong wala pa ring pinagbago 'to mula nung huli akong nandito. Akala ko mami-miss ko ang bahay namin at mae-excite ngayong uuwi na ako dito pero wala akong naramdaman. Parang yung mga panahon lang na uuwi ako ng bahay galing sa school. Ganun lang.

Ngayong naisip ko 'to, parang mas nami-miss ko ang bahay ni Allen. Iba kasi yung atmosphere dun kada uuwi ako eh, ang homey. Di katulad dito, parang puro problema ang sasalubong sa'yo.

At alam kong yun ang matatanggap ko ngayong pinatawag nila ako dito. Dalawa lang naman ang ikinatatakot kong malaman nila eh. Kaya isa dun sa dalawang yun ang magiging rason kung bakit nandito ako.

Kung tungkol kay Keira ang pag-uusapan namin, madali na lang idispatsa ang issue na yun. Aakuin ko si Kurt, tapos!

Pero kung tungkol kay Allen... Ano nga bang gagawin ko pag pinag-usapan na namin si Allen? Hindi ko pa alam. Kailangan ko pang pag-isipan. I've been making rash decisions when it's about him. Ayoko nang magkamali sa mga desisyon ko.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now