Chapter 5 : Call - Anger

25.9K 527 60
                                    

Chapter 5's here, guys! Medyo wala akong tiwala sa ganda ng chapter na 'to, nabura kasi yung original kong ginawa eh. Hope y'all like this.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Hay, salamat naman at day-off namin ngayon. May pag-day-off? Baka nagtatrabaho? Hahaha.

O diba, baliw ako?

Wednesday ngayon at off namin sa school sa araw na ito. Makakapagpahinga ako mula sa studies, kahit first week pa lang, at kay Koopa.

Ngayong naalala ko siya, gusto ko tuloy manuntok ng gwapong mukha! Punyeta kasing lalaki yun! Hindi ako nilubayan sa NatSci class namin!

*FLASHBACK*

"So, gusto mo bang sumama sakin mamaya?" tanong niya sakin. Pang-walong beses niya na atang tanong yan eh.

"Ayoko." mabilis kong sagot, tulad ng mga nauna, habang kinokopya yung mga sinusulat sa whiteboard.

"Sa mall lang tayo promise. Kakain lang tayo. Corny kasi ng sched natin pag Tuesday eh. 10 to 1 tapos 1 to 2:30? Ano tingin nila sa mga estudyante? Robot?" paghihimutok niya. Seryoso ba itong tao nato? Sakin siya nagra-rant, as if namang maso-solusyonan ko yun noh?

"Shut up! Don't talk to me about that! Ako ba ang Dean?!" pasigaw na bulong ko sa kanya, kasi baka makuha ko yung atensyon ng buong klase eh, tapos nagsulat uli ako.

Yun lang at tumahimik naman siya. SALAMAT!

"Pero kung gusto mo sabihin mo lang sa akin ha? Gusto kitang kasama eh." pabulong niyang sabi sa akin nung naka-focus ako sa pagsusulat ng mga lectures. Jusko! Hindi Niyo po ba biniyayaan ng pang-unawa itong nilalang na nasa tabi ko ngayon?

Bigla akong napalingon sa kanya, nung ma-realize ko kung ano yung last sentence na sinabi niya, with a shocked yet nagba-blush na expression. Bigla niyang tinaas yung kamay niya at kinaway-kaway iyon sa harap ko na parang may itinatanggi.

"No, no, no! Hindi yun katulad ng iniisip mo! Gusto lang kitang kasama kasi you're fun to be with." sabi niya habang kinakaway-kaway pa rin yung kamay niya tapos nakita ko ring medyo nag-blush siya. Hay, kung pumapatol ka lang sa katulad ko baka ako pa ang nanligaw sa'yo. Tsk, tsk, buhay nga naman!

"You two back there. If you just listen to what I am saying, that would be great!" biglang sabi ng prof namin habang nakaturo yung whiteboard marker saming dalawa ni Koopa. At ngayon ay nakalingon lahat ng kaklase namin sa direksyon namin. Nakakahiya!

Nice first impression. At sa Science subject pa ah? Sa favorite subject ko pa! Tsk, tsk.

*END OF FLASHBACK*

Punyatera talaga yung Karl na yun! Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami mapapagalitan kahapon!

Wala naman akong magawa ngayon kaya napagdesisyunan ko na lang maglinis ng bahay namin. Feeling ko kasi tinutubuan na ng mga kabute yung kwarto ng dalawang babae sa pamilya namin. Ang mama ko at ang kapatid ko.

Yun pa namang kapatid ko, mas lalaki pa sakin kung magkalat ng gamit.

"Allen!" sigaw ng mama ko mula sa taas.

"Bakit, Ma?! May bagong species ng kabute dyan?" pabiro kong tanong.

"Mukhang magkakaroon nga, kung hindi ka pa aakyat dito at itatapon 'tong mga pinagkaka-kain ng ate mo!" sagot ng mama ko. Ganyan kami dito sa bahay, sagutan ng mga kabulastugan.

Dali-dali na akong umakyat sa taas at nakita ko sa sahig ng kwarto nila ang mga balat ng chichiriya. Yung iba nilalanggam na, yung iba naman nagkalat ang durog-durog na piraso. Babae ba talaga 'tong kapatid ko? Ang DIIIRRRTTTYYY!

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon