Chapter 44 : Lying - Gotcha

13.5K 264 35
  • Dedicated to Everyone
                                    

As of December 8, this story has reached its 100,000 mark! Thank you for making my goal possible, guys! :))

Mind following me on Twitter? @sherwinlee28

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

The hell's happening to my life right now?

Una, si Claire. Inaalala ko pa si Allen. Ngayon, magbabalik 'tong EX ko?

*FLASHBACK*

/ Hindi kita kilala. /

/ Oh come on, Karl! Alam kong kabisado mo ang boses ko. Mahal na mahal mo nga ako diba? Kaya pati yung maliit na detail na yun natatak dyan sa utak mo. /

/ Yun na nga eh. Mahal na mahal kita, pero anong ginawa mo? Iniwan mo lang ako sa ere diba? Ni ha, ni ho, wala kang pasabi. /

/ Ganun pa rin ba katindi ang galit mo sa akin ng dahil dun? /

/ Mas matindi na, ngayong manggugulo ka na naman sa buhay ko! /

Ibinaba ko na agad yung line sa sobrang galit ko.

*END OF FLASHBACK*

Magbigti na lang kaya ako?

"Karl! Tulala ka na naman! Ano ba yan? Ano bang problema mo?" tanong ni Jason na alalang-alala sa akin.

3 araw ko nang iniisip kung ano ang dapat kong gawin pero wala talaga akong maisip! Nabobobo na ako!

"Hindi mo ba alam kung nasaan si Allen?" biglang tanong ni Jomar.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong room, and true enough, wala pa din si Allen hanggang ngayon. Hindi siya pumapasok. I don't know why. Baka iniiwasan niya ako.

"Hindi ko din alam, Par, eh." sagot ko naman.

"Tinatawagan ko siya simula nung isang araw pa pero wala siyang sagot. Ano kayang problema niya?" nag-aalalang tanong ni Jomar.

Ewan ko din, Par. Hindi niya din ako kinontak simula nung mag-away kami eh.

"Puntahan kaya natin siya sa bahay nila?" biglang suggestion ni Jason.

Why didn't I think of that earlier? What the fuck is happening to me?

"Sige, punta tayo sa kanila." sagot ko naman.

We need to talk, Allen! Ayokong mawala ka sa akin ng dahil lang sa simpleng bagay.

ALLEN'S POV

"Ma! Pag may naghanap sa akin, sabihin mo wala ako ha?" paalala ko sa Mama ko na naghihiwa ng gulay para sa tanghalian namin.

Kung bakit wala ako sa mga klase namin? Dahil yun sa nakiki-sit in ako sa ibang klase na may parehas na prof at subject tulad ng sa amin. Luckily, lahat ng subject ko pwede kong i-sit in.

At saka kaya ko rin ginawa yun kasi iniiwasan ko si Karl. Ayaw niya mang sabihin sa akin, alam kong naiinis siya sa akin.

Alam ko ring lalo lang gugulo ang isip niya pag nagpakita ako ngayon pang inaalala niya yung engagement niya.

"Allen! Teka! Halika nga muna saglit." sabi ni Mama nung makahakbang na ako sa hagdan.

Umikot agad ako at nilapitan siya. Umupo ako sa katapat niyang upuan across the table.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"May problema ka 'no?" tanong niya naman habang seryosong nagcha-chop ng sibuyas.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now