Chapter 18 : Usher - Deal

20.7K 378 29
                                    

ALLEN'S POV

Usher and Usherette? Check! Hahaha.

*FLASHBACK*

"Guys, magkakaroon tayo ng General Assembly at ang course natin ang naatasan na mag-usher sa mga guests sa symposium." sabi ko, nandito ako ngayon sa harap. Wala pa naman kaming prof eh.

"Sino napili mo?" tanong ni Alice. Basta hindi ikaw, wag kang mag-alala.

"Si Michelle." sagot ko.

Tumayo naman si B**chelle with matching gulantang na gulantang na expression.

"Ako?!" elevator tone dapat?

"Ay hindi? Baka si Alice o kaya si Rica. Ang layo ng A at R sa M ha?" sarcastic kong sabi sa kanya.

Nag-eyeroll lang siya at umupo saka siya nag-ekis ng mga braso sa dibdib niya.

"Ayoko!" bigla niyang sagot.

"Edi ihanda mo na mata mo sa pag-iyak kasi babagsak ka sa Adviser natin." sagot ko. Yan yung tinuro ni Ate Divine.

"Wala akong paki. Anong pakialam ni Sir sa grades ko kung hindi ako papayag na mag-usherette?" tanong niya. See? Ito yung sinasabi ko eh. Hindi bebenta yung ganitong rason. Pambobo kasi.

"Bahala ka. Basta ikaw ang usherette." sabi ko na lang para wala nang palagan.

"Si Aaron naman ang usher." pagpapatuloy ko.

"Ayoko." sabi ni Aaron.

"Narinig mo naman sinabi ko diba? Babagsak kayo sa Adviser natin!" sabi ko sa kanya.

"Edi ibagsak niya! Ang dami-daming school na pwedeng lipatan eh." bored na sagot ni Aaron.

Pero, in fairness ha? Gusto ko siyang palakpakan dahil hindi siya natatakot na bumagsak! Hahaha.

"Si Paul." sabi ko tapos wala pala ang hinayupak na yun sa classroom.

In-scan ko ang buong classroom hanggang sa mag-landing ang paningin ko sa isang gwapong nilalang na nakaupo sa may bandang likod.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nag-angat siya ng mukha. Nginitian ko siya, yung pinaka-sweet kong ngiti, tapos ay tinanguan ko siya.

"Ikaw na Karl ang usher ha?" sabi ko sa kanya.

Nakatulala siya for 3 seconds tapos dahan-dahan naman siyang tumango. Yes! Wooh! May usher na kami!

"Sige, mag-a-usherette na ako!" excited na sabi ni B**chelle, with matching pagtayo at pagtaas pa ng kamay! Che, landi!

*END OF FLASHBACK*

Though nainis ako kay B**chelle, wait ang haba ng tawag ko sa kanya! LCH na lang para double meaning, pwedeng LECHE o kaya LEECH! Uso naman yung walang vowels ngayon diba? Hahaha.

Yun na nga! Though naiinis ako kay LCH, napangiti pa rin ako! At least, hindi ko na kailangan pang hassle-in ang sarili ko para lang pilitin siya. And that, thanks to my loving friend, Karl! Yoohoo!

KARL VINCENT'S POV

Bakit ba ako pumayag na mag-usher? BAKIT?! Peste kasing ngiti yun eh! Para akong na-hypnotize! Napa-oo tuloy ako! Bwisit!

"Next time, wag mo na akong isasali sa mga ganito-ganito ha? Nakakapagod eh." sabi ko sa kanya, nakasingit kasi ako ng pag-upo eh. Bahala na yung ibang usher, kaya na nila yan! Hehehe.

"Eh akala ko kasi interesado ka eh. Tapos never ka namang nagreklamo kahit na halos may tatlong linggo ka para tumanggi." may punto niyang sabi.

"Ewan ko rin kung bakit hindi ako tumanggi eh." sabi ko sabay tawa.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now