Chapter 46 : Revelation - Unsure

15.1K 292 79
                                    

GOOD NEWS: May something dito.

BAD NEWS: Hindi yun katulad ng ine-expect niyo. Hehe. :)))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Masaya na sana yung gising ko after nung party ko eh. Na-badtrip lang ako nung makita ko na kasama din namin sa kama si Jake. Gusto ko sana siyang itulak nun, kaso nakapagitna sa amin si Allen eh.

"Karl, paabot nga ng ballpen ko! Hindi mo naman binalik sa akin eh." narinig kong sabi ni Allen kaya natauhan ako.

Kinuha ko yung ballpen niya at iniabot sa kanya.

Hindi naman siya nagsulat bagkus ay inilabas niya ang cellphone niya, sinalpak ang earphone sa tenga niya at parang may pinanunuod siya.

Maya-maya lang ay tawa na siya ng tawa kaya naintriga kaming tatlo. Lumapit kami sa kanya pero tinaob naman niya ang phone niya sa desk. Ang damot!

"Ano ba yan?" tanong ni Jason.

"Cellphone." sagot ni Allen.

"Tanga, yung pinanunuod mo!" sabi naman ni Jason.

"Secret! Bagong taon na, usisero ka pa rin!" sagot naman ni Allen sa kanya.

"Eh ikaw, bagong taon na, bakla ka pa din." sabi naman niya kaya nakatanggap siya ng masamang titig mula sa akin at kay Allen.

"Leche! Susumbong kita kay Diane! Sabihin ko may kahalikan ka at nakita ko yun!" pagbabanta naman ni Allen kay Jason at nabakas namin ang takot.

"Tangna, wag! Bubugbugin ako nun!" takot na takot na sabi nito kay Allen na parang nagmamakaawa.

"Exactly! Papabugbog talaga kita kay Diane pag inaway mo pa ako." sabi pa niya.

"Oh sige, hindi na. Ibibili kita ng juice, gusto mo?" tanong sa kanya nito at tumango naman siya.

Over the holidays ay wala akong balita sa mga kaibigan ko. Si Allen lang kasi ang focus ko. Kanina ko nga lang nalaman na nagkakasundo na ng maigi sina Jason at Diane, pero hindi pa rin sumasagot ang huli. Hahaha. Kawawang Jason. Ngayon lang siya nanligaw ng matagal. Base kasi sa record ko, isang linggo ang pinakamatagal niya. Ang pinakamabilis? 5 MINUTES! Eh ngayon, lagpas dalawang buwan na pero nganga pa rin siya! Hahaha.

Nung umalis si Jason ay lumapit naman ako kay Allen.

"Ano ba yang pinanunuod mo, Babe?" tanong ko sa kanya, yung mahina lang. Yung kaming dalawa lang ang magkakarinigan.

"Wala po!" mahina at nakangiti niya namang sagot tapos ay binulsa na niya ang phone niya.

Tinitigan ako ni Allen ng masama, nung lumapit pa ako lalo ng upo sa kanya, tapos ay tinitigan niya ang direksyon ni Jomar na parang tinuturo ito sa akin. Napalingon naman ako kay Jomar at nakita siyang nakatalikod sa amin.

Humarap uli ako kay Allen at bumulong sa kanyang ayos lang yan. Hindi kami mapapansin ni Jomar dahil busy ito sa paglalaro.

Marahan kong inakbayan si Allen tapos ay hinalikan siya sa pisngi. Umamba siyang kukutusan ako pero hindi niya itinuloy.

"Par, hindi ako tanga." biglang sabi ni Jomar kaya nagmamadali kami ni Allen na lumayo sa isa't-isa.

"Ha!? Ano yun, Par?" tanong ko sa kanya.

Huminto siya sa paglalaro at binulsa ang phone niya tapos ay humarap siya sa amin. Buti na lang at nakalayo na ako kay Allen.

"Mahihirapan lang kayo." sabi niya sa akin, hindi, sa aming dalawa pala ni Allen.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now