Chapter 28 : Space-out - Avoid

17.9K 343 26
                                    

Mej heavy 'to. Ang heavy kasi ng ulan habang ginagawa ko 'to eh. Damang-dama ang peg. Hahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Well, what do you know!? Para akong tanga!

Pinipilit kong kalimutan si Karl at yung kasinungalingan niya pero hindi ko magawa!

Paulit-ulit kong naririnig iyon sa utak ko, na para bang isang kanta iyon na may magandang tono at mensahe.

"Yan ka na naman! Parang ang lalim ng iniisip mo! Okay ka lang ba?" ramdam ko ang concern sa tanong ni MJ.

Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagtango.

Hindi ako sumama sa tatlong ugok, ULIT! Nagtatampo na nga sina Jason at Jomar sa akin eh. Hindi na daw nila ako nakakasama masyado, malungkot daw.

*FLASHBACK*

"Allen! Sama ka sa amin mamaya, DotA tayo. Turuan kita." nakangiting pag-aya sa akin ni Jomar.

"Wala akong pera eh." nakangiti kong sagot sa kanya habang tinatapik ang aking bulsa.

"Ice lang yan! Sagot ka ni Karl. May pera yan! Saka yan naman laging nanlilibre sa'yo diba?" biglang singit naman ni Jason saka siya umakbay kay Karl.

Napatingin ako kay Karl. Yep, still wearing that damn straight face since THAT day! 2 weeks na kaming hindi nagpapansinan masyado. Hindi ko pinapahalatang galit ako dahil baka mang-usisa yung dalawa at bigla na lang sumabog yung emosyon ko at maikwento ko lahat ng nangyari.

Si Karl naman, kahit hindi niya pinapakita ay alam kong ilang na ilang at iritang-irita siya sa akin. Paano ko nasabi? Eh paano ba naman, mag-aabot na lang ng mga bagay sa akin, kahit katabi na lang niya ako, ipapaabot niya pa sa dalawa! Buti nga may sa oblivious yung dalawa kaya hindi nang-i-interrogate eh. Pero sigurado ako nag-iisip na yang mga yan kung bakit ganito namin pakitunguhan ang isa't isa.

"Wala rin akong pera ngayon. Nalimutan ko sa bahay wallet ko." monotonous niyang sagot. Nagsinungaling na naman! Eh kanina lang nakita ko wallet niya!

"Ice lang, Jason. Makikipagkita din naman ako kay MJ ngayon eh. Next time na lang, pag may pera na ako." nakangiti kong sabi tapos napansin kong parang nagbato ng matalim na tingin sa direksyon ko si Karl.

Para namang tangang lumapit sa akin si Jason at inakbayan ako.

"Next time na naman? Nung isang linggo nag-next time ka na ah? Nung isang araw din. Tapos ngayon, next time na naman?" madrama niyang pagtatanong.

"OA mo! Importante lang talaga pag-uusapan naming dalawa. Tungkol sa amin 'to." seryoso kong sabi sa kanya tapos ay kumalas siya sa pagkakaakbay sa akin at tinalikuran ako.

"Hindi mo pinapaalam sa amin na may boyfriend ka na ha? Okay lang naman sa amin yun eh. Ang point ko lang, wag mo namang pabayaan kaming mga kaibigan mo. Masakit yung nine-neglect ka. Ang sakit!" sabi niya pa.

Oo masakit ang ma-neglect. Damang-dama ko nga eh.

Binatukan ko siya dahil sa sobra niyang pagda-drama kaya natawa na lang din siya, pati si Jomar. Nakita kong nakangiti si Karl pero nawala din iyon ng magtama ang paningin namin. Tss.

"Next time talaga, sasama ako sa inyo kahit itali pa ako ni MJ sa poste!" sabi ko sa kanila habang nakataas ang kanang kamay ko. Ayan ha? Nangako na ako!

"Siguraduhin mo lang ha? Patay ka sa akin pag nagtalkshit ka sa akin!" pagbabanta pa niya.

"Oo nga!" sabi ko.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now