Chapter 13 : Visitation - Seduction

21.6K 461 66
                                    

Sorry guys kung ngayon lang nakapag-update. Naging busy kasi ako sa pagpaplano ng isang surprise party for a friend eh. Tapos, nadurog pa ako nung malaman kong may boyfriend na yung crush ko! Boohoo! Tapos, magpapa-register sana kami ng friend ko sa Comelec kaso hindi natuloy kasi may sakit siya. At bilang hindi naman kami natuloy, ito, nag-update na lang ako. Enjoy reading.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Isang linggo na mula ng dumating si Daddy sa bahay. Pag-uwing pag-uwi ko nun ay nag-usap agad kami.

*FLASHBACK*

"I'm home!" bati ko ng makapasok na ako ng bahay.

"Anak!" biglang sigaw ni Mommy.

"Bakit, Mi? May problema ba?" worried kong tanong.

Ngumiti lang siya sa akin at lumingon sa likod. Sinundan ko naman ng tingin yung tinitigan niya at nakita ko roon ang isang lalaki na naka-formal attire at kamukhang-kamukha ko. Si Daddy.

Hindi ko namalayan na nakakuyom pala ang kamao ko ng hawakan na lang iyon bigla ni Mommy.

"Karl. Ang laki mo na ah? Ang gwapo mo pa! Mana ka nga sa akin." nakangiting tanong ng AMA ko.

"Oo nga eh, at hindi mo lahat nakita ang nangyari sa akin mula nang umalis ka." sabi ko, pinipigilan ko ang galit ko.

Lumapit siya sa akin at pinatong ang kanan niyang kamay sa kaliwa kong balikat.

"Anak, I'm sorry." sabi niya, nadinig ko ang sadness sa boses niya.

Hinawi ko yung kamay niya at tinitigan siya sa mata. Halos magkasing-taas lang pala kami.

"For all those years, Dad? Kahit isang araw sa isang taon, wala kang panahon? Umalis ka dito na para kang walang pamilyang iniwan tapos ngayon bigla kang babalik? And now, ang maririnig ko lang sa'yo, SORRY? Sorry? Anong inihihingi mo ng tawad? Yung biglaan mong pag-alis o yung hindi mo pagdalaw? Pero wag ka nang mag-alala, wala naman akong paki dun eh. Basta wala na lang pakialamanan, okay?" mahaba-haba kong sabi na puno ng galit.

"Anak, Karl, I'm sorry." sabi ni Daddy.

"Wala ka nung mga panahon na kailangang kailangan ko ng AMA. Nung mga panahon na ang pamilyang 'to ay halos gumuho na dahil walang HALIGI NG TAHANAN! Wala nang magagawa ang sorry mo ngayon Dad. Wala na." sabi ko. Narinig kong umiiyak na si Mommy sa may bandang likod kaya parang naiiyak na din ako, pero syempre pinigilan ko.

Nagulat na lang ako ng biglang yumakap sa akin. Si Daddy, niyakap niya ako.

"Alam kong galit ka sa akin, Karl. Pero kaya ako nawala ay dahil bigla akong kinailangan ng Lolo mo sa Amerika. Kaya naman hindi ako makadalaw ay kailangan kong masigurado na financially stable yun. Mahirap, oo, pero kailangan kong mag-sakripisyo dahil para din naman sa pamilya natin ito eh." mahina niyang sabi habang yakap-yakap niya ako.

Pilit ko siyang itinutulak habang nagsasalita siya pero hinihigpitan niya lang ang yakap niya. The next thing I knew ay sumuko ako sa pagtulak sa kanya at tumulo na ang luha ko.

"Alam kong kailangan mo ng gabay ng isang ama at hindi ko naibigay yun, I'm sorry for that, pero gusto kong malaman mo na kahit isang segundo ay hindi kayo nawaglit sa puso't isip ko." sabi pa niya. At dahil doon ay napahagulgol ako at nayakap siya.

Pinapatawad ko na si Daddy. Tama nga si Allen, may reason ang lahat ng bagay. At kahit anong gawin ko ay sa kapatawaran pa rin mauuwi ang lahat.

*END OF FLASHBACK*

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now