Chapter 15 : Endearment - Trunks

22.1K 403 30
                                    

ALLEN'S POV

Wow! Time really flies when you're having fun! Biruin niyo ba namang nasa 2nd sem na kami? Hahaha.

"Oi! Halimaw!" kilala niyo naman na siguro kung sino tumatawag sa akin diba?

"Bakit manyak?" tanong ko sa kanya. Bawi-bawi din pag may time.

"Sabi ng! Wag mo akong tawagin ng ganun! Force of habit nga lang yun! Saka hindi ko naman alam kung ano nangyayari pag tulog ako eh." pabulong niyang sabi sa akin. Ano bang binubulong-bulong niya? Eh kami lang namang dalawa ang nasa gazebo.

"Che! Wag mo akong tawaging 'Halimaw' para hindi kita tawaging 'Manyak'!" sabi ko sa kanya pero naka-focus ako sa syllabus na binigay sa amin ng Biology professor namin kanina.

"Hindi pwede! Wala na akong itatawag sa'yo." sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"May pangalan ako, brod." monotonous kong sabi.

"Bukod dun! Gusto ko may pantawag talaga ako sa'yo. Kumbaga 'term of endearment' ko sa'yo." ramdam ko yung ngiti sa tono ng pananalita niya.

"Wow sa 'term of endearment' ha? Wag mo nga akong guluhin! Nasaan yung dalawa?" tanong ko sa kanya. Iiwasan ko na yung 'term of endearment' thingy kasi kinikilig na ako, mamaya mahalata pa niya eh.

"Nandun sa gym. Nagpapa-enroll ng P.E. Naabutan kasi ng cut-off nung enrollment eh." sagot niya. Ano kaya P.E. nila?

"Ikaw ano P.E. mo?" bigla niyang tanong sa akin.

"Swimming." bored na bored, yung para bang ayoko nung topic, kong sabi.

"Swimming?! Anong sched?!" bakit excited p're?

"Saturday, 10 to 12. Ayoko ng swimming eh. Kaso sa lahat kasi ng may available slots, yun na yung may pinakamagandang time." bored ko pa ring sabi.

Bigla naman siyang tumayo at pumalakpak sa harap ko, yung parang bata yung itsura?

"Parehas tayo! Magkaklase tayo sa P.E.!" nakangiti niyang sabi habang pumapalakpak.

"Oh, tapos?" monotonous kong tanong tapos may biglang pumasok sa isip ko.

Nakahubad si Karl at naka-trunks lang! Waah! Shit na malagkit!

Nagitla ako nung akbayan niya ako. Wag mo muna akong hawakan! Hindi na maaalis sa utak ko yung 'naked image' mo eh.

"Mag-su-swimming tayo. Maraming chicks na naka-two piece dun. Hati tayo ha?" nakangiti niyang sabi.

Nyeta! Nalimutan ko nga palang babae ang habol nito! Kingna!

Tinulak ko siya palayo sa akin at pinasok sa bag ko yung syllabus. Isinukbit ko yung bag ko sa balikat ko at tumayo.

Pero bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ako sa braso at pinigilan.

"Tch. Hindi ka na mabiro! Alam ko namang hindi ganun ang habol mo eh." sabi niya tapos bumigat yung hawak niya sa braso ko, siguro tumayo siya.

"Alam ko namang katawan ko ang gusto mong makita eh." bigla niyang bulong sa tenga ko mula sa likod.

Shit ka, Karl! Pinag-iinit mo KATAWAN ko!

Siniko ko siya. Paglingon ko ay nakapamaluktot siya at sapu-sapo ang tiyan niya. Nasobrahan ata ako ah?

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ang sakit!" bigla niyang sabi.

Shit! Nasobrahan nga!

Inupo ko muna siya sa bench para malaman ko kung ano ang masakit sa kanya.

"Alin ba ang masakit? Ituro mo." concerned kong tanong.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon