Chapter 39 : Lucky - Congeniality

19.3K 343 69
                                    

ALLEN'S POV

"Ano na, Diane? Kanina pa tayo nandito oh! Umay na umay na puwit ko sa upuan dito." pagmamaktol ko sa bestfriend ko na inaya akong isama dito sa isang mall dahil daw may kikitain siyang tao.

"Wait ka na lang muna dyan. Parating na yun, na-traffic lang siguro." nakangiti niyang sabi habang palinga-linga sa paligid.

"Tss. Pag itong taong 'to walang ginawang maganda, iuuwi na kita sa ayaw mo man o sa hindi." sabi ko sa kanya.

"Eh paano kung maganda ang gawin niya?" tanong niya naman sa akin pero parang naka-focus pa rin siya sa paghahanap nung TAONG yun.

Natahimik ako. Paano nga ba kung maganda naman ang ipinakita nung tao? Magmamaldita pa rin ba ako? Natural, HINDI!

"Edi mag-i-stay tayo. Bobo mo." pabiro kong sabi sa kanya na tinawanan lang din niya.

Maya-maya ay narinig kong natawa ulit si Diane. Pero yung mahina lang, yung tipong pa-sweet girl effect?

"Pasensya ka na ha? Bigla kasing umulan sa labas eh, napuno pa yung parking lot kaya lalo akong natagalan." sabi ng isang lalaki na hindi ko makita yung mukha dahil hinarangan ni Diane ang view ko.

"Ayos lang. Halos kararating lang din naman namin eh." sabi ni Diane.

Napatayo ako sa upuan ko at lumapit ako sa kanila. Hindi ko muna pinansin yung lalaki dahil gusto kong pagsabihan si Diane.

"Anong kararating!? Halos mag-i-isang oras na tayong nakaupo sa lugar na yun tapos sasabihin mo, HALOS KAKARATING LANG NATIN? Sino ba kas----" natigilan ako nang makita ko kung sino yung imi-meet ni Diane.

SI JASON!!! SI JASON!! SI JASON! SI JASON!?

"Ikaw yung imi-meet ni Diane?" tanong ko sa kanya.

Biglang nagkaroon ng pamumula sa pisngi niya tapos ay bahagya siyang napayuko at nagkamot ng ulo saka niya sinabing "Oo."

Hinawakan ko sa braso si Diane at hinila ko na siya.

"Uuwi na tayo." sabi ko kay Diane.

Pero hindi pa kami nakakahakbang na dalawa ay may pumigil sa braso ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Jason.

"Uuwi na. Wala rin namang patutunguhan 'tong pagkikita niyo eh. At saka, bakit ba kayo magkikita? As if namang close kayo diba?" pagtataray ko pa sa kanya.

"Allen, inaya ko siyang makipagkita sa akin kasi gusto ko siyang makilala ng lubos." sagot ni Jason. Parang nakaramdam nga ako ng sincerity sa boses niya eh.

"Makilala? Para saan? Para gawing syota at lokohin lang din tulad ng ibang babaeng pinaikot mo ang ulo? Ayaw kong mangyari sa bestfriend ko yun. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na si Diane." sabi ko naman sa kanya tapos ay hinigpitan ko ang hawak ko kay Diane.

"Allen, hindi!! Gusto ko lang makipagkaibigan sa kanya!" halos pasigaw na ang boses ni Jason.

"So, pakikipagkaibigan? Eh diba, lahat ng babae mo kinaibigan mo muna? Bakit ngayon gusto mo ring kaibiganin ang bestfriend ko?" tanong ko sa kanya.

Napayuko siya at nag-iwas ng tingin. Ipinasok niya pa sa bulsa niya ang kanang kamay niya.

"Kasi kaibigan mo siya." mahina niyang sagot pero dinig na dinig iyon ng dalawa kong tenga.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya para malinawan ako. Parang medyo magulo yung sagot niya eh.

"Kasi magkaibigan tayo. Hindi naman kita makakausap ng maayos, para itanong sa'yo kung ano yung mga gusto mo o hindi, dahil sigurado akong babarahin mo lang ako. Kaya pinlano kong kaibiganin din yung mga kaibigan mo para naman kahit paano ay magkaroon ako ng clue kung paano ka papasayahin. Lagi na lang kasi tayong nag-aaway, tapos lately hindi mo pa ako pinapansin. Gusto kong mag-sorry sa ginawa ko, Allen. Kaso natatakot naman ako na baka hindi mo ako pakinggan sa sobrang galit mo kaya hindi muna kita kinakausap." napamaang ako sa mahabang sinabi ni Jason.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now