Chapter 45 : Lust - Lips

15.2K 274 72
                                    

This chapter was made by me and @Histriounico. Magka-chat lang kami nung una eh, ewan ko ba kung bakit niya naisip 'to. Pero ginusto ko din naman eh, kaya nagpatulong na ako. Hahaha.

And, like niyo naman yung fan page ng 'So Into You' sa FB. La lungs. Ginawan kasi ni @SunnyMoonie ng ganun itong gawa ko eh. Salamat nga pala! :))

Anyways, read on! Pasensya na kung medyo kakaiba. Mej kakaiba mga gumawa eh. Hahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Finally! Natyempuhan ko din si Jake sa school!

*FLASHBACK*

"Baby, punta lang ako sa klase nina Jake ha? Aabangan ko siya dun para mainvite ko siya sa birthday party mo." paalam ko sa boyfriend ko na nagsusulat ngayon dahil nalimutan niyang gumawa ng assignment.

Yung dalawa naman, nawawala. Si Jason, baka lumandi na naman. Baka isumbong ko na yun kay Diane pag ako nabanas eh. Si Jomar, MIA, nawala din. Hindi nagsabi kung saan nagpunta eh.

Biglang hinawakan ni Karl ang kamay ko nung tumayo ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit, Babe?" tanong ko sa kanya.

"Balik ka agad ha?" sabi niya.

"Baka abroad?" sarcastic ngunit pabiro kong tanong sa kanya na nginitian niya lang.

Tumayo siya at umamba ng halik. Pero agad ko siyang itinulak sa dibdib at tumingin sa paligid.

"Sorry. Hindi ko matiis eh." nakangiti niyang sabi nang mapansin niya sigurong tinitignan ko ang paligid. Baka kasi may nakatingin at makita yung ginawa niya.

"Lul ka! Libog mo na!" sabi ko naman sa kanya tapos ay kumawala ako sa hawak niya.

"Hindi mo naman ako masisisi eh. Ganun kita ka-gusto eh. Saka malibog na ba pag nanghingi ng halik?" nakangisi niyang sagot kaya pinitik ko yung noo niya.

Inanto! Nag-iinit pisngi ko sa pinagsasasabi niya!

"Ge na! Alis na ako. Mamaya mawala na naman si Jake eh, may sa palos pa naman yun!" sabi ko naman sa kanya tapos ay tinapik ko siya sa balikat.

"Sige. Ingat, babe ha? Si Jake yan, alam kong deads na deads yan sa'yo." paalala niya na medyo ikinangiti ko.

Hanggang ngayon, pinagseselosan niya pa din si Jake? Imba 'tong lalaking 'to! Mahal na mahal talaga ako! Hahaha.

Masaya ko nang binabagtas ang daan papunta sa building ng mga Engineering students ng makita ko ang isa sa mga kaklase ni Jakey-baby na iniluwa ng pinto ng canteen.
 
Nilakihan ko ang mga hakbang ko para maabutan ko siya.

"Kuya, nasaan si Jake?" tanong ko sa kanya.

Kumagat muna siya nung Japanese cake na hawak niya tapos ay humarap siya sa akin.

"Nandun sa taas. Sa room namin. Diba ikaw yung boyfriend niya?" sagot niya sa akin na ikinabigla ko.

Saan galing yung 'boyfriend'?

"Boyfriend po? Ako? Ni Jake? Hindi po. Bestfriend ko lang po yun." sagot ko naman.

Napaling naman yung bigat ng ulo niya sa kanan tapos parang naguluhan siya.

"Hindi ikaw? Pero sigurado ako na ikaw yun eh. Base kasi sa description niya, ikaw na ikaw yun." sabi pa ni kuya tapos kumagat uli siya nung pagkain niya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now