Chapter 12 : Advice - Doubt

23.1K 422 38
                                    

Paningit lang 'tong chapter na 'to. Ni-revise ko kasi 'to pero nagkagulo-gulo kaya, eto, pangit. Hahaha. Siningit ko na yung tungkol sa Daddy ni Karl at kay Jomar, kasi hindi ko alam kung kailan ko siya ilalagay eh. Pagpasensiyahan niyo na muna 'to. Nasabayan din kasi ng pagsakit ng ulo ko eh. Babawi talaga ako next update. Okay? 

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang pagdating ng magaling kong 'AMA' mula sa Amerika.

Balak ni Mommy na isama ako sa pagsundo sa kanya sa airport. Tumanggi ako kasi ayaw ko siyang makita. Naalala ko tuloy conversation namin ni Mommy kagabi.

*FLASHBACK*

"Mi! Bakit naman hinayaan niyo lang na bumalik dito si Daddy?! Bakit hindi na lang siya mag-stay sa U.S. tutal nandun naman yung pinakamamahal niyang negosyo eh." inis na inis kong sabi sa Mommy ko.

"Anak, gusto daw kasi tayong makita ng Daddy mo. Nami-miss na daw niya tayo." sagot ni Mommy.

"Pero, bakit hindi man lang siya dumalaw? Puro tawag lang. Tapos yung huli pa niyang tawag, 2 YEARS AGO PA! Eh madali lang namang dumalaw ah?" sabi ko kay Mommy. Inis na inis ako sa Mommy ko ngayon, dati galit rin siya kay Daddy pero ngayon, parang tuwang-tuwa pa siya na uuwi na ito.

"Anak, syempre may mga problema din siyang kinaharap dun. Hindi man niya sabihin, mukhang malaki iyon at kailangan ng full attention niya. Hindi rin naman natin masisi na sa kanya ipinamana ng Lolo mo ang kompanyang iyon kaya ganun na lang niya iyon alagaan. Intindihin mo naman ang Daddy mo Karl." pagpapaliwanag niya.

Well, I don't give a damn about his reasons. Galit ako sa kanya. Call me immature pero masisisi niyo ba ako? Bigla siyang nawala and the next thing I knew nasa Amerika na siya at nagpaparami ng pera roon. Tatawag lang siya on special occassions o kaya pag free lang siya, which was once in a blue moon lang kung mangyari, tapos magbabanggit lang ng 'HI' o kaya tatanungin kung maayos ba kami. Hindi man lang ba niya naisip na at that time, marami nang nangyayari sa akin na gustong-gusto kong ikwento sa kanya? Pero mukhang wala naman siyang paki noon eh, edi wala na lang kaming pakialamanan.

"Hindi ako sasama sa pagsundo sa kanya. Marami akong assignments na dapat gawin eh." cold kong sagot kay Mommy.

"Anak naman." pagmamakaawa niya.

"Mommy, I'm not in the mood to talk about this okay? Matutulog na po ako." sabi ko tapos ay lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Hindi na siya nagsalita which means ay iginagalang niya ang desisyon ko.

Umakyat na ako at natulog na punong-puno ng inis.

*END OF FLASHBACK*

Eto ako ngayon, nasa school at nakasalampak sa damuhan sa field. Tinutusok ko ang lupa ng sanga na napulot ko sa tabi ko dahil sa sobrang inis ko.

Paano kami sa bahay ngayon? Walang pansinan? Alam ko there will come a time na magkakaharap kami, pero ngayon pa lang ay sigurado akong hindi ako ang unang gagawa ng move.

"Uy! Baka naman wala nang tumubong halaman dyan! Pinapatay mo yung lupa eh." biglang sabi ng isang angelic na boses.

Paglingon ko, si Allen pala!

"Ano bang problema?" tanong niya.

Gusto kong sabihin yung tungkol kay Daddy pero masyado atang personal yun para pakialaman pa ng mga kaibigan ko.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now