Chapter 24 : Miss - Embrace

20.2K 387 86
                                    

I'm sorry kung natagalan, guys! Masyado kasi akong natuwa sa mga kaganapan dito sa bahay kaya minsan nalilimutan kong buksan yung Wattpad ko. Saka nasabayan pa ng pamosong 'Writer's Block' na yan! I'm so sorry.

Mag-so-sorry din ako kasi walang kakilig-kilig na eksena sa chapter na 'to. Puro ka-seryosohan sa buhay ang naisip ko sa chapter na 'to eh.

So, so, so sorry!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"Anak, bakit parang lungkot na lungkot ka naman ata bigla? Kanina ang saya-saya mo ah? Tawa ka ng tawa. Oh, and by the way, uuwi pala ang Daddy mo bukas. Ikaw sumundo sa kanya ha? May gagawin ako eh." sabi ni Mommy na inaayos ang ilang kubyertos sa kusina.

Bumalik kasi si Daddy sa America after naming mag-bakasyon. Nagpaalam naman siya ng maayos at sinabi niyang babalik din siya agad pag natapos na ang problema doon.

"Yep, Mi." bored na bored kong sagot.

Ewan ko ba. Napansin ko rin na bigla akong lumungkot eh. Kanina tawa kami ng tawa ni Mommy dahil napagkwentuhan namin yung buhay ko nung grade school. Kaso, after nun, nawalan na ako ng gana. Peste kasing bagyo 'to eh! Dalawang araw na tuloy kaming walang pasok! Tapos bukas Linggo pa, wala ulit pasok! Eh anong gagawin ko?

Yung mga games ko naman, tapos ko nang laruin at ayokong laruin ulit yun!

Hay!

"May nami-miss ka 'no?" biglang tanong ni Mommy.

Ha? Ano daw? May nami-miss ako?

"Nabasa ko kasi dati na kapag ang tao biglang nalungkot, ng hindi naman niya alam ang dahilan, ay panigurado may nami-miss." sabi niya habang pinupunasan ang mga kutsara at tinidor.

Luuh si Mommy oh! May nami-miss daw ako?! Patawa tal-- Allen?

Si Allen, nami-miss ko?! Shit! Ang gay pakinggan nun ah? Pero seryoso ha?! Bigla siyang pumasok sa isip ko nung banggitin ni Mommy yung tungkol sa miss-miss na yan.

Ano kayang ginagawa nun ngayon? Panigurado bored na din yun. Hahaha.

Makapag-FB nga muna. Ano kayang pwedeng laruin? Yung dalawa kasi, walang net, sira daw, hindi tuloy kami makapag-GG.

Uy, as expected, maraming online! Sino kaya pwedeng maka-usap?

Shit! Bakit ang lakas bigla ng tibok ng puso ko? Peste ka, Allen! Ganito ba talaga pag nagkakagusto sa mga katulad mo? Pangalan mo pa lang naman ang nakikita ko ah?

Naalala ko tuloy bigla nung in-add mo ako dito sa FB.

*FLASHBACK, 1st year*

"Par, nakakainis yung iba nating kaklase! Ang daldal sa FB pero sa personal, napaka-tahimik! Parang mga abno." pagmamaktol ni Jason habang nakaupo kami sa ilalim ng puno ng mangga, ang 3 buwan na naming breaktime spot.

"Ganun talaga. Malay mo hindi nila kayang makipag-usap ng personal. Minsan kasi, mas magandang makipag-usap sa paraan na alam mong walang makakaalam ng feelings mo." mahinahong sabi ni Jomar.

"Okay po, 'tay!" biglang sabi ni Jason at nagtawanan kami, mali, ako lang pala.

"Allen, add mo naman ako sa FB." pabulong kong sabi kay Allen. Ang tahimik niya kasi eh.

Lumingon naman siya sa akin with that salubong na kilay niyang trademark.

"Ayoko." monotonous niyang sabi.

"Bakit naman? I-a-add mo lang naman ako eh. It wouldn't hurt to try." pamimilit ko pa sa kanya.

"Heh! Ayoko." sabi niya lang tapos ay bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng libro.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon