Chapter 51 : Retrieval - Disappointment

13.8K 288 47
                                    

I'm not confident about this chapter. Ewan ko ba. Hahaha. Anyways, pasensya na sa matagal na paghihintay. Talagang may importante lang akong inasikaso at alam yun ng ilang kaibigan ko dito. It was hard pero kailangan naming tanggapin eh. :)))

And again, yung errors and faults saka na lang. Tinatamad pa ako eh. Hahahaha. :P

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

KARL VINCENT'S POV

"Hi Babe." bati ko kay Allen.

"K-Karl!? A-anong ginagawa mo dito?" tanong naman niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Hinawi ko na lang siya ng walang anu-ano at tumuloy sa loob. Inilapag ko agad ang bag ko at naupo sa sahig.

"Hay, salamat at nasa bahay na din." nasabi ko kasabay ng pagbuntong-hininga.

Gusto ko pa sanang humiga sa sahig, dahil sa pagod, kaso narinig ko yung malakas na pag-'HA!?' ni Allen eh.

"Anong sinasabi mong nasa bahay ka na? At saka anong meron at nagbitbit ka ng bag na para kang magka-camping sa gubat ng 10 araw? Anong nangyayari?" tinakpan ko na lang ang tenga ko sa dami ng tanong niya. Can't I get a glass of water muna bago ko siya sagutin? Hay. Mukhang nagger 'tong si Allen ah!?

"So, lumayas ka pala, Karl?" tanong ng isang babae na nung lingunin ko ay ikinalaki ng mata ko.

Bakit prenteng-prente siyang nakaupo dun sa sofa nina Allen? At nakuha niya pa talagang manuod ng pelikula ha? Medyo astig siya ha?

"Bakit nandito ka?" tanong ko naman sa kanya.

"In a sense, parang pareho tayo. Tinatakasan yung malaking problema na 'YUN'. Pero it was never my intention to get here. Nangyari lang na naiwan ko yung gamit ko sa inyo at nandun ang living essentials ko kaya hindi ako makapunta sa mga hotels. Buti na lang at nakilala ko ang mabait mong boyfriend at hinayaan muna akong mag-stay dito until I find a way how to get my things back." pagpapaliwanag niya. Pero napalingon ako kay Allen nung i-acknowledge niyang boyfriend ko ito.

Nginitian lang ako ni Allen na parang hindi naalerto sa sitwasyon. I mean, Claire's outside our circle. Paano na lang kung ikinalat niya yung sikreto namin? Patay kami.

"Don't worry. Your secret's safe with me. Matagal ko nang alam na may relasyon kayo. Syempre, nagri-research ako kahit papaano sa supposedly ay 'future husband' ko." sabi naman ni Claire na ikinapanatag ng loob ko.

That scared the shit out of me. Baka maghalo ang balat sa tinalupan pag nalaman ni Daddy 'to eh. Tama na muna yung naglayas ako at tinanggihan slash tinakasan ko yung engagement proposals niya.

Itinukod ko ang kamay ko at tumayo ako. Hinalikan ko si Allen sa pisngi tapos ay pumunta ako sa kusina nila para kumuha ng maiinom.

"So, naglayas ka pala? Bakit mo naman ginawa yun? Diba sabi ko wag na wag mong gagawin yun? Magagalit lalo sa'yo ang Daddy mo nyan eh." sabi ni Allen mula sa likod ko. Narinig ko ang paglangitngit ng upuan kaya I'm guessing na umupo siya.

Pagkabukas ko ng ref ay nakita ko agad ang isang pitsel ng tubig. Kinuha ko iyon at isinara ang pinto ng ref. Ipinatong ko ang  pitsel sa mesa tapos at kumuha ako ng baso. Alam ko na kung saan nakalagay ang ilang gamit dito sa bahay nila Allen. Feel at home na ako dito.

Nagsalin ako ng tubig sa baso at agad iyong ininom. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong ibinuhos yung laman nung pitsel sa ulo ko. Miski ako nagulat sa katarantaduhan ko eh.

"Ano bang ginagawa mo?" natatarantang tanong sa akin ni Allen habang papanhik siya sa taas.

Shit! Ice-cold pala yung pesteng tubig!

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon