Chapter 53 : Okay - Back

12.5K 274 22
                                    

Sorry. Rushed. Hindi ko na chineck kung maayos ba yung grammar and everything ko dito. :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"B-bakit? M-may dumi ba s-s-sa mukha ko?" tanong ko kay Allen dahil kanina niya pa ako tinitignan.

"Ha? Wala! May iniisip lang. Pasukan na eh, at wala pa tayong nababalitaan sa Daddy mo. Sa tingin mo ba, tatahimik na talaga siya?" tanong naman niya sa akin kaya napayuko ako.

Napatitig ako sa sapatos ko. Ito ang kauna-unahang gamit na nabili ko since tumira ako dito. Nagulat pa nga ako kung gaano yun kamura eh. Pero Allen reminded me na hindi daw yun kasing tibay ng mga nabibili ko dati.

"Hindi ko alam, Babe. Pero sa tingin ko naman ay hindi niya palalampasin 'to lalo na't kumpanya niya ang nakasalalay dito. Hindi ko kilala ang pagkatao ni Daddy pero sapat naman na sigurong proof yung pag-iwan niya sa amin just to stabilize the company's financial standing, right?"

"Anong gagawin natin pag ngayon siya gumawa ng move?"

"Tulad nga nung pangako natin, haharapin natin ang problema ng magkasama."

"I love you, Karl."

"I love you, too, Allen. Pero TOP pa rin ako. Hindi ako payag na magpa-bottom sa'yo."

"Jusko! Move on! Isang gabi lang nangyari yun. At wala na akong balak umulit! Naging top ka naman uli nung birthday ko ah? Saka hindi ko kayang nakikita na nasasaktan ang boyfriend ko eh."

*FLASHBACK*

"Happy Birthday, Allen! Binata ka na! Kailan ka ba magdadala ng babae dito? Imposible namang walang nagkakagusto sa'yo, lahi natin ang gwapo. Ikalat mo naman ang kagandahang lalaki natin." nakangiting sabi ng isang lalaki na biglang pumasok sa bahay namin, este, nina Allen pala.

Sino ba siya? Tito siguro ni Allen.

"Kuya! Masama ka talagang impluwensiya sa anak ko. Pusong babae si Allen, at mahal namin siya. Alam mo naman yun diba?" pagtatanggol naman ni Tita habang naka-akbay kay Allen.

"Pero, Tito, kung nakita mo lang mga babae nyan ni Kuya, tiyak matutuwa ka! Maganda bestfriend niya tapos kailan lang, nagpatira siya dito ng babae! Ang ganda din! Tapos nakatira pa sa Amerika! Gusto ko nga yun para kay Kuya eh." sabat naman ni Kate kaya pare-parehas kaming napatingin sa kanya sa may hagdan.

Mukhang iisa lang ang itsura naming tatlo nina Tita dahil sa biglang pagtikom ng bibig ng sister-in-law ko. Pero nung mapatingin uli ako sa Tito nila ay ang laki-laki ng ngiti nito.

Para tuloy akong na-offend at nainis sa Tito nila. Ni hindi man lang ako napansin, eh halos katabi ko na lang si Allen. Tch.

"Tito, alam kong ayaw mong may bakla sa pamilya. Kaya nga nagpapasalamat ako na tinanggap niyo ako kahit na may ganun kang panuntunan eh. Saka yung pagtulong niyo po sa pag-aaral ko. Sa mga pambili ng gamit saka libro. Maraming salamat po. Pero ito pong lalaking katabi ko, siya po ang boyfriend ko. Mahal ko po siya. Kahit na gaano po kaganda o ka-sexy ang babaeng makaharap ko, siya lang po ang laman ng puso at isip ko. Alam ko pong siya ang unang boyfriend ko at marami kaming haharapin na problema. Pero nangako po kami sa isa't-isa na haharapin namin lahat yun ng magkasama. Sana po respetuhin niyo ang presensiya ng lalaking mahal ko." seryosong sabi ni Allen sa Tito niya na dumiretso naman ang ekspresyon ng mukha nung makita ko.

Nanatili lang akong nakatahimik habang sinusundan ng tingin ang Tito niya na paupo sa sofa. Naramdaman ko ang biglang paghawak ni Allen sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Wala siyang sinabi sa akin pero nginitian niya ako. And that swollen up my heart!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now