Chapter 56 : Oblige - Over

9.2K 245 62
                                    


KARL VINCENT'S POV

Sa loob ng dalawang linggo, wala akong ginawa kundi mag-isip. Madalang na lang akong umuwi sa bahay nina Allen. Dun ako kina Jason nakikituloy kung sakali mang hindi ko matripang umuwi dun kina Allen. Surprising nga na hindi pa sila nagtataka sa ganung attitude ko.

Pinipilit ko ang utak ko na mag-isip ng paraan kung paano ko 'to lulusutan pero isa lang talaga ang naiisip ko.

Papanagutan ko ang bata pero hindi ko sasabihin kay Allen. Ipagpapatuloy ko ang relasyon ko kay Allen habang nagiging ama ako kay Kurt. Yun na ang pinakamagandang solusyon na maiisip ko.

"Karl, salamat." mahina niyang sabi habang tinatanaw namin SIYA.

"Wag kang magpasalamat. Obligasyon ko 'to." diretsahan ko namang sabi sa kanya.

Ayokong isipin niya na babalikan ko siya dahil lang sa bata. Oo, magiging tatay ako para sa anak ko pero hindi kami magiging isang pamilya. Ayokong plastikin ang sarili ko sa pagmamahal ng ibang tao.

"Kahit na. Malaking bagay pa rin na pumunta ka dito para bisitahin si Kurt." sabi pa niya tapos ay naramdam ko ang pagpatong ng kamay niya sa kamay ko.

Inalis ko agad ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.

"Keira, kahit na anong gawin mo, hinding-hindi na ako makikipagbalikan sa'yo. You and I, we're over. Tatay ako ng anak mo, pero hindi ako magiging partner mo." sabi ko sa kanya at nakita ko ang paglungkot ng mukha niya.

"Karl, hindi ba pwedeng isa pang chance? I still love you. Alam kong kasalanan kong iwanan ka pero nandito na ulit ako, mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita." mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Tumayo ako at napatanaw kay Kurt na masayang naglalaro.

"Aalis na ako, Keira. Sasabihan na lang kita kung kailan ako makikipagkita para kay Kurt." seryoso kong sabi sa kanya tapos ay tinawag si Kurt.

Agad na lumapit sa akin yung 'Anak' ko at niyakap ang binti ko. Ipinatong ko yung kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niya pagkatapos ay nakangiti akong lumuhod sa harap niya.

"Kurt, aalis na si Papa ha? Don't worry, pupunta ulit ako bukas at maglalaro tayo. Be good ha? Ayoko ng makulit." bilin ko sa kanya at puro tango naman ang binigay niyang sagot sa akin.

Tumayo na ulit ako at napatingin kay Keira.

"Karl, please..." maluha-luha niyang pagsusumamo.

Pero, tinalikuran ko lang siya at tuluyan nang umalis.

Maliban kay Kurt, wala na kaming koneksyon na dalawa.

Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa pero napatitig lang ako sa screen. Ano bang gagawin ko? Tatawag ako? Pero kanino? Kay Jason na hindi ako ma-gets? Kay Jomar na galit sa akin? O kay Allen na pinagtataguan ko ng isang malaking sikreto?

Ahhh, bahala na!

ALLEN'S POV

"Ma, may nilabhan ka bang mga damit ni Karl? Parang wala nang laman yung drawer niya eh." tanong ko kay Mama matapos kong makalkal yung drawer ni Karl sa kwarto.

"Wala. Huli kong nalabhan na damit niya, yung suot niya nung isang araw. Yun lang." sagot naman niya habang nanunuod ng TV.

Bakit ganun? Parang wala nang laman yung drawer niya? Saan napunta yung mga gamit niya? Imposible namang ngatain ng mababait yun, eh malinis ang kwarto ko para pamahayan ng mga ganun.

"Oh, ayan na pala siya eh. Itanong mo sa kanya." biglang sabi ni Mama kaya napalingon ako agad sa pinto.

Nagtatanggal siya ng sapatos nung lapitan ko siya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now