Chapter 50 : Uncivilized - Problem

13.5K 289 57
                                    

Katamaran at pagmamadali ang pinairal ko sa chapter na 'to. Alam kong medyo nawawala na sa takbo yung story pero yan lang kasi ang kaya ng utak ko as of the moment. Medyo natuwa naman ako sa chapter na 'to eh. May mga bagong story rin kasing tumatakbo sa isip ko eh. Pero sorry pa din kasi alam kong hindi ganito yung inaasahan niyo.

Plus, kung may mga errors man or such, intindihin niyo na lang. I-point out niyo na lang sa akin para ma-edit ko pag sinipag na ako. :)))

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

KARL VINCENT'S POV

Shit! Isang linggo na ang nakakaraan simula nung ibalita sa akin ni Allen na payag si Diane sa relasyon namin pero hindi pa rin talaga ako maka-move-on! Oo, alam kong mataas yung chance na tanggapin niya nga kami kasi kaibigan siya ni Allen pero nakakatuwa lang kasi talaga na pumayag siya. Ibig sabihin, may tutulong na sa amin kung sakali mang magsabi na kami kay Jason ng tungkol sa amin. Hay. Ang saya ng buhay!

"Anak!"

Or not? Bakit ngayon pa dumating ang Daddy ko?

"Dad!" I greeted him, faking my enthusiasm.

"Mukhang masaya ka ata ah? Is it because of my arrival o dahil sa dala ko ngayon?" nakangisi niyang tanong sa akin na para bang tini-tease niya ako for a big surprise. Tch, If I know, sapatos, chocolates, damit or gaming consoles lang yang dala niya eh.

Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa kanya. Umakbay pa ako sa kanya para kunwari ay tuwang-tuwa akong umuwi na siya. Pero ang totoo ay ayaw ko muna siyang makita. Wala pa sa plano ko ang pagtatapat sa kanya eh. At as long as nandito siya, mataas ang posibilidad na mangyari yun. Tch!

"Dad! Syempre, masya akong nandito ka. Pero mas masaya ako kung may pasalubong kang dala." nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinapik niya ang kamay kong naka-akbay sa kanya at nginitian niya ako. Para saan yun? Anong klaseng pasalubong yun? Isang tapik at ngiti lang? Eh ang kuripot naman ata ng Daddy ko? Naghihirap na ba kami at hindi na makabili ng mga gamit si Daddy? Jusko! Gusto kong mag-handle ng kumpanya! Paano na lang ang future namin ni Allen?

Dahil sa disappointment ay tinanggal ko ang kamay ko sa pagkaka-akbay sa kanya at bumalik ako sa kinauupuan ko. Pero pagsalampak ng puwit ko sa leather naming sofa ay biglang may tumabi sa akin.

Vans na kulay pula, ang ganda ng legs, denim shorts, boyfriend polo.

"Claire!?"

"Why do I get the feeling na parang isang malaking kahon ng goodies ang hangad mo?"

"Just, j-just what are you doing here!?"

"Tsk. Why don't you ask your Dad?" pagsusungit niya.

Aba't may gana pang magsungit, eh siya naman 'tong pangit! Okay, joke lang yung 'pangit' part. Ang ganda kaya ni Claire! Lalo na ngayong  napaka-carefree ng aura niya. Nakaka-amaze na nungnuna kaming magkita ay paang ang bait at ang hinhin niya. Pero ngayon, parang umangas yung looks niya. Lalo tuloy siyang naging hot.

Oops! Hindi po ako salawahan! Nagagandahan lang talaga ako sa kanya pero hindi ko ipagpapalit ang Allen ko. Mahal na mahal ko yun eh.

"We're here to talk about your engagement ceremony. Ifa-finalize na natin lahat ang kailangan para yung kasal niyo na lang ang iintindihin." kaswal na kaswal lang sa pagsasabi Dad? Simpleng 'Hello!' lang para sa'yo yung engagement na 'to? Wow ha? Astig ka dun!

I can't believe him! Ipapakasal niya ako sa babaeng ni address hindi ko alam!? Bakit ba kasi naisip ng mga ninuno namin 'tong are-arranged marriage na 'to eh!

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon