Chapter 4 : Sciences - Retaliation

25.2K 548 55
                                    

Chapter 4's up guys! Enjoy reading!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

What a long and tiring day I had yesterday! Ang awkward nung aura after akong tanungin ni Diane tungkol kay Jakey-baby. Buti na nga lang at naka-isip si Koopa ng topic eh.

*FLASHBACK*

Silence, oh, silence, kailan ka kaya huhupa?

"Saan ba kayo grumaduate ni Allen?" biglang tanong ni Karl, thank God!

"Sa isang public school." sagot ni Diane.

Napa-facepalm ako sa sagot niya. Nakaka-bobo!

"What's the name of the school?" tanong uli ni Karl.

"Wag mo nang tanungin, nakakahiya lang." sabi ni Diane.

Hindi kaya! Sinungaling talaga 'tong babae nato! Kumpara naman sa ibang schools sa area namin, the best na yung amin! Maganda pa ang reputation!

"Ikaw na lang! Saan ka ba nag-aral ng high school?" tanong ni Diane kay Koopa.

"Sa UST." monotonous na sagot ni Koopa.

Wow! Yaman!

"Ang yaman! Shet! Pakasal na tayo!" sabi ni Diane tapos tumawa ng malakas.

Nakita ko namang namula si Karl. Bet niya ba si Diane? Mukhang makakapatay ako ng kaibigan ah? JK! Hahaha.

"Is that suppose to be a joke?" tanong ni Karl.

"Sineryoso mo yun?" naniningkit ang mata na tanong ni Diane.

"Oh, so it's a joke!" biglang sabi ni Karl. Hindi ba siya marunong maka-sense ng joke? Harujosko!

"Syempre naman! Hindi pwedeng maging tayo noh? Papatayin ako niyang si Allen for sure!" sabi ni Diane tapos ginamit niya pang panturo yung french fry.

Pinanlakihan ko siya ng mata kasi nakakahiya yung sinabi niya.

"Is that a joke, too?" tanong ni Koopa.

Agad akong lumingon kay Koopa at sinabing, "Yeah! Yeah, joke yun!" sabay pakawala ng pilit na tawa.

"Sino ba yung Jakey-baby na yun?" biglang tanong ni Karl at nasamid na naman ako. Ito namang si Diane, napabungisngis! Hinayupak!

"Si Jake? Kaklase din namin nung HS. Barkada din namin pero mas close sila ni Allen kasi parehas sila ng interes. Sa sobrang closeness nila, nakukuha nilang maglandian sa harap ng maraming tao." sabi ni Diane.

"Wala man lang nag-doubt sa kanila?" tanong ni Karl, mukhang interesado sa kwento 'tong lalaking 'to ah?

"Meron naman. Kaya lang, alam nilang hindi sila dapat nakikialam sa mga kaibigan ko." sabi ni Diane tapos kinuyom-kuyom niya pa yung kamao niya na para bang manununtok siya.

"At saka, wala naman silang inaagrabyadong tao eh. Pag landian nila, sila lang talaga. Minsan nga gusto kong sumali sa kanila kaso ayaw naman nila. Masagwa daw pag threesome." dugtong pa ni Diane tapos malungkot yung boses niya habang sinasabi niya yung huling pangungusap. Minsan talaga napaka-pervert nitong babaeng 'to! At saka ayaw namin ni Jake na may nakikisali sa "Boy's Talk" namin noh? Boys don't tell secrets, right?

"Eh bakit hindi na lang ligawan nitong JAKEY-BABY na 'to si Allen? Tutal nagla-'LANDIAN' din naman pala sila?" tanong ni Karl with matching bigay-diin sa Jakey-baby at sa landian. Sa sobrang tigas ng pagkaka-diin niya halos magkabukol ako, JOKE!

"Eh kasi naman ---" binato ko ng butil ng kanin si Diane kaya tumigil siya.

"Tama na nga yan! Masyado ka nang maraming nalalaman! Uuwi na kami. Salamat sa libre." sabi ko na lang kay Koopa, and with that ay tumayo na ako at hinila palabas si Diane.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now