Chapter 32 : Invite - Excite

17.4K 327 19
                                    

SABAW!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"Sa Puerto Galera, Par. Dun gusto ni Mommy mag-Pasko eh." sagot ni Jason nang tanungin ko sila kung saan sila magpa-Pasko.

"Kami sa Cebu. Bibisitahin namin mga kamag-anak namin dun." sagot naman ni Jomar.

"Eh ikaw Allen? Saan kayo magpa-Pasko?" tanong ko naman kay Allen na busy sa mga paperworks kahit last day na ng klase namin para sa Christmas vacation.

"Sa bahay lang. Hindi naman kami mayaman para gumala-gala eh." sagot naman niya habang busy pa rin sa pagsusulat sa isang notebook.

Hinila ko yung notebook sa kanya at tiningnan ang laman nun. Puro dates at araw tapos sa tabi nun may mga nakasulat na hindi ko malaman kung para saan.

"Ano 'to!?" tanong ko sa kanya habang sinusuri ng maigi yung notebook.

"Mga events para sa pasukan, after Christmas break. Busy kasi mga fourth year for their last term kaya kaming mga officers na lower years ang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay para sa org natin." sagot naman ni Allen tapos hinablot na niya yung notebook sa kamay ko at isinara iyon.

"Tapos ka na ba!? Nagugutom na ako." tanong ni Jason kay Allen.

"Wait lang. Ibabalik ko lang 'tong papel sa faculty room. Kung gusto niyo, mauna na kayo. Text niyo na lang ako kung nasaan kayo, susunod ako." sabi niya habang nililigpit niya ang mga gamit niya.

"Better idea, p're!" sabi naman ni Jason sabay tayo at pagpag ng puwitan.

Tumayo din si Jomar at isinukbit ang backpack sa likod.

"Mga Par. Antayin ko na si Allen. Mauna na kayo, text niyo na lang kami." sabi ko tapos ay binigay ko sa kanila ang susi ng kotse ko. Hindi kasi nagdadala ng kotse o kaya motor yang dalawang yan. Sayang daw sa gas, saka nakakasira daw ng kalikasan kung tig-i-isa pa kami ng sasakyan. Mga kups! Lokohin niyo ako! Tinatamad lang kayong mag-drive!

"Sumabay ka na sa kanila, Karl. Saglit lang naman ako eh." sabi ni Allen sa akin tapos lumakad na siya papunta sa building namin.

"Sige na, Par. Sabay na kami. Ako ng bahala. Dalhin niyo na kotse ko." sabi ko naman sa dalawa tapos dali-dali kong sinundan si Allen.

ALLEN'S POV

"Hala! Sabi ko diba, mauna na kayo? Bakit nandito ka pa?" gulat kong naitanong sa kanya nang makita kong nasa labas siya ng faculty room.

"Sabi ko diba, sasabayan kita?" sagot niya habang nagpipipindot sa cellphone niya.

"Che! Bahala ka nga." sabi ko na lang tapos nilagpasan ko siya.

"Tapos ka na ba?" tanong niya.

"Oo, nagtext na ba yung dalawa?" tanong ko naman sa kanya habang dinudukot sa bulsa ko yung cellphone ko para tignan naman kung nagtext sila sa akin.

"Hindi pa eh." sagot niya tapos ay inakbayan niya ako. Normal na sa amin yung ganito, yung akbay-akbay. Basta yung pagiging touchy! Ang awkward kasi kung magkaibigan kami tapos iilag kami pag aakbay ang isa sa amin o kaya hahawakan sa balikat o kaya, basta! Ayoko nang magpaliwanag! Understood na yun!

"So, ano? Maglalakad tayo ha? Traffic pag ganitong oras eh." tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumiti lang siya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now