Chapter 21 : Tickle - Whisper

18.8K 352 20
                                    

ALLEN'S POV

Ano ba namang school 'to! Sinabay yung enrollment ng course namin sa enrollment ng freshmen! Ang ayos ng sistema ha?

"Alleeeeeen!" oo, Karl, ako si Allen! Isigaw mo pa para malaman ng lahat ng freshmen.

"Hoy! Hindi ka na naman namamansin ha? Punta tayong mall pagtapos ng enrollment ha?" nakangiting pag-aya ni Karl sa akin habang naka-akbay.

Loko-loko 'to! Akbay ng akbay, nakita naman niyang nasa harap kami ng mga Freshmen. Mamaya isipin ng mga yan na may something sa amin eh.

"Aray! Bakit mo naman kinurot yung braso ko? Nagiging sadista ka na lately." sabi niya habang hinihimas niya yung parte ng braso niya na kinurot ko.

"Wag kang aakbay. Saka hindi naman tayo nagkita nung bakasyon ah? Kung maka-'lately' ka parang sinabi mong araw-araw tayong nagkikita." sagot ko tapos kinuha ko yung classcards ko sa bag ko para i-ready na sa pagpapa-xerox.

"Bakit? Nahihiya ka sa harap ng mga Freshmen? Tch. Wala silang paki 'no? Pagkaka-kaldagan ko mga bunbunan ng mga yan eh. Saka na-miss kita eh." confident niyang sabi habang nililibot ang paningin sa buong field.

Tapos, ako ang sasabihan niya ng 'sadista'?! Pero na-miss niya ako? Yan na naman siya sa mga pinagsasasabi niya eh. Kung babae lang ako, nalaglag na yung panty ko. Hahaha.

"Tss. Mainit kasi! Kita mong tirik na tirik ang araw tapos kung maka-akbay ka, para kang sawa!" nakatalikod kong sabi sa kanya. Nagba-blush na kasi ako! Ano baaa?!

"Wooh! Kunwari ka pa! Nagba-blush ka na dyan eh!" panunukso niya.

Peste ka! Leche! Oo, nagba-blush ako! Eh kung tigilan mo yang pag-ganyan-ganyan mo? Edi hindi ako namamatay sa kilig dito!?

"Bahala ka na nga dyan! Magpapa-photocopy lang ako!" sigaw ko sa kanya habang patungo sa photocopying center sa loob ng univ.

Leche! Kailan ba naging ganyan ka-straightforward magsalita yan? Kinakabahan ako na natutuwa na kinikilig na natatakot eh. Tss.

"Allen!" si MJ naman? Grabe! Kung nakakamatay lang yung mapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, nagpapagala-gala na siguro kaluluwa ko dito sa ibabaw ng lupa!

Medyo nagitla ako ng akbayan niya ako.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Boto mo akong President ng society natin ha?" sabi niya, medyo tinapat niya pa yung bibig niya sa tenga ko. Shit! Dun nati-trigger yung kiliti ko eh!

"So, sa tenga pala ang kiliti mo?" nakangiti at mapanukso niyang tanong.

Oh no's! Wag! Wag mong tatangkain na kilitiin ako dun! Wag, please!

Pero ang puchang MJ, hineadlock ako! Tapos bumulong ng kung anu-ano! Kingna ka MJ! Papatayin kita pag humupa 'tong kiliti ko!

KARL VINCENT'S POV

Ano bang ginagawa nila at bulungan sila ng bulungan dun? Tapos itong si Allen tawa ng tawa, parang kinikiliti.

"Tama naaaa! MJ!" pagsigaw ni Allen habang nagpupumiglas kay MJ.

Pero nakangiti pa rin si MJ at hindi tinatanggal yung akbay, headlock pala, niya kay Allen.

Lumapit ako sa kanila at kinalas ko yung kamay ni MJ sa leeg ni Allen. Hinila ko din si Allen palapit sa akin.

"Halika na. Mag-e-enroll pa tayo." seryoso kong sabi tapos hinila ko siya palayo sa lugar na iyon.

Nung medyo makalayo na kami ay kumalas siya sa pagkakahawak ko. Nakita kong hinihimas niya yung braso niya.

"Grabe! Lulumpuhin mo ba kamay ko? Ang higpit ng hawak mo ah?!" medyo naiinis niyang sabi.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now