Chapter 34 : Bonding - Holding

23.9K 357 91
                                    

ALLEN'S POV

[ A, samahan mo naman ako mamaya. May bibilhin lang ako sa mall. Please? ] Text sa akin ni Diane. Istorbo talaga 'tong babae na 'to minsan eh.

[ Ano na naman yang bibilhin mo? ] tanong ko sa kanya.

[ Damit. Samahan mo lang ako. Maganda kasi mag-shopping pag may kayag-kayag kang boyfriend. :)) ] reply niya.

[ Eh hindi mo ako boyfriend? Si Jake na lang isama mo! ] sarcastic ko namang reply sa kanya.

[ ALLEN! Please! Hindi naman sasama si Jake pag ako lang eh, gusto niya palagi kang kasama. Deads na deads talaga sa'yo yung kups na yun eh. Please, sumama ka na! Kung gusto mo, ayain mo siya pero ikaw ang aarte na boyfriend ko ha? Ayaw kong maging boyfriend yung lalaking yun kahit acting lang. ] pagmamakaawa niya na hinaluan niya pa ng something para kay Jake.

[ Sige, pero wag kang maarte ha? Alam mo kung ano mga ayaw ko. ] paalala ko sa kanya.

[ Oo naman! Ayaw mo ng tipikal na babae. Hahaha. ] reply naman niya na ikinangiti ko.

Ano yung tipikal na babae na sinasabi niya?

Yung magsi-CR lang pero aabutin ng siyam-siyam sa loob ng banyo; Yung papasok sa isang store at pipili o titingin ng maraming items pero ni isa walang nabili, at llilipat pa sa kabilang store; Yung masyadong clingy, chaperone lang naman kailangan niya eh, bakit kakapit pa; Tatanungin ka kung ano mas bagay sa kanya, tagabuhat ang kinailangan mo hindi fashion stylist; Yung mag-aaya na kumain pero siya mismo hindi kakain.

Yung mga ganyan. Nakakainis yung ganyan eh. Kaya pinaalalahanan ko si Diane, kasi minsan, nagiging ganyan siya! Pero minsan lang naman. Hehehe.

[ Sige. Mamaya na ba 'to? ] tanong ko sa kanya.

[ Yep. After ng class mo. Sabay naman kayo ni Jake ng oras ng dismissal, right? ] sagot naman niya.

[ Yeah. Sige, pupunta kami. Saan tayo magkikita? ] reply ko sa kanya.

[ Sa National Book Store na lang para madaling magkakitaan. :)) ] sagot naman niya.

[ Ge. Kita-kits. Love you! :)) :** ] reply ko sa kanya.

[ Sige, Love you, too! :**** ] reply naman niya sa akin.

"Sino ka-text mo? Kanina ka pa nakangiti eh." tanong sa akin ni Koopa na kaharap ko ngayon dahil may activity kami.

Ni-lock ko na yung phone ko tapos ay binulsa ko na iyon.

" Wala. Makikipagkita lang ako." sagot ko sa kanya tapos ay kinuha ko yung ballpen at nagsimula na ulit na magsulat.

"Kanino naman?" tanong niya.

"Sa kakilala lang." bored kong naisagot sa kanya. Actually, bored na bored nga ako ngayon eh. Kaya nga pumayag ako na samahan si Diane eh.

"Kilala ko ba?" ang daming tanong, Karl?

"Basta." naisagot ko na lang sa kanya tapos inirapan ko siya.

Hindi naman na siya nangulit kaya nag-focus na ulit ako sa pagsusulat.

After naman ng 4 pang nakakabagot at napaka-unproductive na oras, ay natapos na ang klase namin.

Handa na ako sa pag-alis ng magsilapitan naman yung tatlo sa akin.

"Allen, saan punta mo? Basketball tayo!" excited na pag-aya sa akin ni Jason.

"Pass. May pupuntahan ako eh. Actually, naghihintay na yung ka-date ko eh." sagot ko sa kanya tapos ay dinukot ko ulit yuung phone ko sa bulsa para i-text si Jake.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon