Chapter 7 : Bothered - Vexed

20.9K 484 28
                                    

Bilang umabot na sa 100 reads yung unang chapter at hindi ko talaga kayo matiis! Nag-update na po ako. Huehuehue. Enjoy reading! :)))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Mommy habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ko.

"Meron po, kaso mamayang 10 pa po yun eh." sagot ko, sounding bored.

"Eh 9:30 na ah?!" bigla niyang sabi.

Tumayo na lang ako at kinuha yung bola ko sa ilalim ng kama.

"Pwede po bang wag muna akong pumasok ngayon?" tanong ko sa kanya habang yakap-yakap yung bola.

Pumasok siya ng tuluyan sa kwarto ko at umupo sa dulo ng kama.

"Bakit? May problema ba? Binu-bully ka ba?" worried niyang tanong.

"Ako mabu-bully? Ma, ano tingin mo sa akin? Batang uhugin na hindi kayang ipagtanggol ang sarili?" natatawa-tawa kong tanong sa kanya.

"Eh bakit ayaw mong pumasok ngayon?" tanong niya.

"Friday Sickness po." sagot ko.

"Asus, tinatamad ka na naman ha? Pumasok ka, wala ka namang gagawin dito sa bahay eh." sabi niya ng nakangiti.

"Sige na, Mi. Minsan lang ako umabsent oh!" pagmamakaawa ko with matching puppy eyes.

"Heh! Bahala ka na nga! Pero pag nagkaroon ka ng bad records sa school, patay ka sa akin!" pagbabanta niya sakin.

"Thanks, Mi! Don't worry, I'm a good boy kaya walang bad records na magmumula sa akin." nakangiti kong sabi.

Yun lang at lumabas na siya.

Sa totoo lang, kaya ayokong pumasok ay dahil kay Allen. Parang ayoko siyang makita at makausap ngayon. Naiinis ako sa fact na pinagsinungalingan niya ako.

Nagpaalam na ako kina Jason at Jomar, through text, na hindi ako papasok. Tinanong nila kung bakit, pero hindi ko na lang iyon ni-replyan.

ALLEN'S POV

YEY! Wala si Koopa! Matatahimik ang araw ko ngayon! Or not?

"Allen, gusto mong pumunta kina Karl?" pabulong na tanong sakin ni Jason, tumabi siya sakin dahil wala daw si Koopa.

"Hindi pwede, may klase pa tayo." sagot ko habang naka-focus sa mga nakasulat sa board.

"Hindi naman ngayon eh, mamaya." paglilinaw niya.

"Ayun naman pala eh. Ayusin mo kasi." sabi ko habang nakatutok pa rin sa board.

"Oh, ano? Sasama ka ba sa amin?" tanong ulit ni Jason.

"Ayoko!" mabilis kong sagot.

"Huh? Bakit naman? Eh magkaibigan na kayo diba?" sabi ni Jason.

"Nope. Yung kaibigan mo ang nagiisip ng ganyan. Feeling close siya." medyo naiirita kong sabi. Ganito ba talaga ang grupo ni Koopa and his Kumag friends? Nakakairita masyado!

"Bahala ka na nga. Malulungkot yun panigurado." biglang sabi ni Jason.

Tss. Nangonsensiya pa. Hindi ako affected 'no?! Wala akong paki sa kanya.

Nag-focus na lang ako sa pakikinig at pagsusulat ng mga lessons namin.

~After class~

"Buti naman nagbago ang isip mo. Matutuwa si Karl nito." nakangiting sabi ni Jason.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now