Chapter 37 : Bipolarity - Trust

17.8K 328 44
                                    

KARL VINCENT'S POV

"Good morning!" bati sa akin ng isang anghel nang magising ako.

Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan sa labi. Kahit medyo sumasara pa ang mata ko, ay napansin ko ang pagba-blush niya.

"Morning." nakangiti niyang bati sa akin.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko naman sa kanya.

Bahagya siyang umiling kaya nag-alala ako.

"Bakit? May masama ka bang napanaginipan kaya hindi maayos ang tulog mo?" tanong ko sa kanya, evident pa nga yung tono ng pag-aalala eh.

"Kung ikaw kaya sipain ko, maaayos ba ang tulog mo!?" pabulyaw niyang sabi kaya nagising ang diwa ko.

"Nasipa na naman kita? Tch, sabi ko kasi sa'yo yayakapin na kita eh." sabi ko naman sa kanya na parang siya pa ang sinisisi ko.

"Oo eh. Manananching ka lang kaya!" sagot naman niya.

"Hoy! Sino kaya sa ating dalawa ang mahilig mananching?" balik-tanong ko naman sa kanya.

"Ikaw! Everytime nga na makikita mong may pagkakataon ka na yakapin ako, halos gawin mo na akong unan eh." sagot naman niya.

"Aba't! Nung isang araw nga halos mawalan na ako ng hininga sa pagyakap mo eh. Ang higpit!" sabi ko naman sa kanya.

"Eh kasi inaway mo ako! Sabi ko na sa'yo na tama yung sagot ko dun sa quiz natin, pinapalitan mo pa! Pinilit mo pa yung mali mong sagot!" sagot naman niya.

Naramdaman kong umiinit na ang ulo ko sa sagutan namin. Umagang-umaga, ganito kami.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagdilat ko ay tumama ang labi ni Allen sa labi ko.

"Love you!" nakangiti niyang sabi nung maghiwalay ang mga labi namin.

Parang biglang nawala yung inis ko at napangiti na lang din ako. Hinawakan ko siya sa batok at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan ko uli siya para quits kami.

Simula nung naging kami ni Allen, parang bago na lahat ng mga nangyayari sa akin. Dati, normal lang sa akin ang halikang ganito. Normal, as in parang okay lang. Pero pag si Allen na, grabe! Parang nakakaubos ng hininga! Pero kahit mawalan ako ng hangin sa baga, parang gusto ko pa ring gawin. Ganun.

"I love you, too." sabi ko sa kanya with my most sincere voice and expression.

Gusto ko pa sanang mag-stay sa kama kasama si Allen pero kinatok na kami ni Mommy at sinabing maghanda na raw kami sa pagpasok.

"Nasaan na yung susuotin ko?" tanong niya sa akin.

"Kunin mo na lang dyan sa closet ko. Pare-parehas lang naman yan ng sukat eh." sagot ko naman sa kanya habang binubuksan ko ang computer ko para mag-FB.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Diba sabi ng Mommy mo, maligo na?" sabi ni Allen sa akin mula sa likod. Siguro nakaupo pa siya sa kama.

"Mamaya na ako maliligo. Anong oras pa lang eh. Nagmamadali lang yang si Mommy kasi nandito ka." sagot ko naman sa kanya.

"Kahit na! Malay mo may pupuntahan palang iba yun kaya nagmamadali." pag-depensa niya kay Mommy.

"Saan naman siya pupunta? Eh ang pasok nun, 10 pa! Alangan namang sa Amerika pumunta yun, eh magpapa-book pa lang ng flight si Daddy." sagot ko naman habang tina-type ko ang username at password ko.

Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Basta ang narinig ko na lang ay may bumukas na pinto at sumara.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now