Chapter 11 : Beat-up - Hug

23K 458 43
                                    

This Chapter is dedicated to @BAKEKoNG_ 'cause he's so freaking awesome! Go read his work, it's interesting! And also, to @DyosangAnonymous kasi nabitin daw siya last chapter. Sana naman okay na sa kanya 'tong chapter na 'to. Hahaha. Yung song nga pala sa gilid, yun ang nagpapakalma sa akin, nagpapatulog saka nagpapasaya sakin. Wala lang, gusto ko lang i-share sa inyo. Sana magustuhan niyo rin! Enjoy reading!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Ngayon ko lang napagtanto na hindi nag-sorry sa akin si Karl kahapon ah? Inisahan niya ako! Inisahan niya ako! Naaaay! Baaakeeet?! Hirap talaga pag crush mo ang isang tao, ang daling bumigay! Hay.

Pero buti na lang at sinundo ako ni Jake kahapon at hinatid ako pauwi, nami-miss niya na daw si Mama eh.

Ewan ko ba sa nanay ko at gustong-gusto niyang nasa bahay si Jake. Pinipilit niya talagang may gusto sa akin si Jake, eh wala naman! Ambisyosa lang talaga minsan ang nanay ko.

"Allen, sunduin kita mamaya ha?" biglang tanong ng isang boses sa tabi ko. Ay, oo nga pala, magkasama kami ni Jake ngayon. Magkasabay ang break namin kaya sabay na kaming kumain.

"Okay. Pero wag mo na akong ihatid hanggang sa bahay ha? Mamaya mapag-trip-an ka na naman ni Mother at hindi ka na pauwiin." sabi ko sa kanya habang humihimay ng manok. Fried chicken ang in-order ko, kay Jake naman Porkchop.

Tumawa naman 'tong si Jake habang hinahampas-hampas ang mesa.

"Bakit? Gustong-gusto ako ni Mama para sa'yo 'no?" tanong niya.

"Aba'y natural! Tatlong taon ka kayang nakadikit sa akin na parang boyfriend ko! Tapos ngayon parehas pa tayo ng school na pinapasukan, iisipin niya talagang hinahabol mo ako!" sagot ko sa kanya pero naka-focus pa rin ako sa pagkain ko.

Tumawa na naman siya at hinampas-hampas na naman niya yung mesa. Natatakot akong matapon yung laman ng mga baso kaya hinawakan ko yung lamesa.

"Bakit hindi na lang natin seryosohin?" tanong niya na ikinagulat ko. Sino bang hindi, eh ngayon niya lang tinanong yung ganyan. Paglingon ko kay Jake ay nakangiti siya, nagbibiro lang pala 'tong hinayupak na 'to!

"Wag ka ngang magbiro, Jake. Hindi nakakatawa yun." seryoso kong sabi sa kanya at nakita kong nawala yung ngiti niya.

"Tingin mo ba nagbibiro ako?" tanong niya.

Yumuko naman ako para ipagpatuloy ang pagkain.

"Knowing you? OO!" sabi ko.

Narinig kong tumawa siya ng mahina, pero yung parang pilit.

"I love you, baby." sabi niya pero yung mahina lang.

"Love you, too." sagot ko tapos nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos namin sa pagkain ay lumabas na kami sa lugar na iyon.

Pabalik na kami ng school nang may tumawag sa cellphone ko.

KARL VINCENT'S POV

/Hello?/ bungad ni Allen sa kabilang linya.

Ewan ko ba kung bakit tinawagan ko siya. Parang nagkusa na lang yung mga kamay ko na gawin iyon.

/A-allen?/ shit! Bakit nauutal na naman ako?

/Oh? May problema ba?/ tanong niya.

/Ah, wala! Wala namang problema!/ sagot ko, hindi ko alam anong sasabihin ko.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon