Chapter 2 : Game - Text

33.4K 634 59
                                    

Here's chapter 2 for you guys! SEHUN's on the side! Our Allen Estanislao! Look!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Eto ako ngayon, kasama si Allen na kumain ng lunch sa mall. Mamayang alas dos pa kasi yung basketball game namin eh, at gusto kong panuorin niya ako maglaro nun.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero parang ang gaan agad ng feeling ko sa kanya.

Para kasing ang sarap niya kasama at masaya siyang kausap.

"Oh, bayad ko." sabi sakin ni Allen sabay abot ng 100 pesos.

"Wag na. Libre ko na sa'yo yan. Inaya kita dito kaya dapat sagot ko ang gastos mo." sabi ko naman sa kanya habang tinutulak ko pabalik yung pera.

"Hindi. Ayoko namang magka-utang na loob 'no? Tanggapin mo na yan." monotonous niyang sabi.

Natawa ako sa kanya. Masyado siyang mapilit eh.

"Wag kang mag-alala, sagot ko nga ito kasi pinilit kitang isama dito. Wag ka nang makulit." nakangiti kong sabi sa kanya.

Napa-'Tss' siya kasabay nung pag-sneer. Tapos kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone niya at may tinext.

Nung ilapag niya yung cellphone sa lamesa ay sumubo na siya ng pagkain. Ang cute niya habang ngumunguya siya! Para talaga siyang bata.

Nakasuksok yung kutsara sa bibig niya habang tinitignan niya yung cellphone niya tapos bibitawan niya saglit yung phone tapos susubo ulit ng pagkain pero yung paningin niya naka-focus dun sa cellphone niya. I think I find that cute.

"Bakit?! May problema ba sa mukha ko?" tanong niya bigla sa akin.

"Ahh, wala! Wala naman!" mabilis kong sagot.

"Eh bakit parang kanina mo pa ako tinitignan saka bakit hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo?" tanong niya sakin tapos napatingin ako sa pagkain ko. Wala pa ngang bawas yung pagkain ko!

"Ah-eh, ah, uhm." nag-stutter ako sa harap niya? How is that possible? Eh tinanong niya lang naman ako. Tsk tsk.

"Ah, hayaan mo na nga! Pagkatapos nito uuwi na ako ha?" bigla niyang sabi tapos tinignan niya uli yung phone niya.

"Bakit naman? Hindi pa nga kita nadadala dun sa dapat nating puntahan eh." malungkot kong tanong sa kanya. Totoo naman kasi eh, gusto kong makita niya akong maglaro ng basketball pero uuwi pala siya after nito?

"Inaantok nga kasi ako eh. Tapos pinakain mo pa ako, so lalo akong aantukin." sarcastic niyang sagot sakin.

"Gosh! Ang cute naman nila kaso mga bakla eh." narinig kong bulong ng isang babae sa table na nasa likod ko.

"Oo nga eh. Pero bagay sila noh? Ang cute ng pair-up nila. Hindi katulad ng ibang gay couples na ang sagwa tignan." narinig kong sagot ng kasama niyang babae.

Well, hindi sila magaling magbulungan pero nabigyan nila ako ng idea.

"Babe?" bigla kong sabi kay Allen.

Wala akong paki kung marinig ng iba, basta ang purpose ko ay maisama si Allen sa basketball game namin.

ALLEN'S POV

"WHAT?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

Sino ba namang hindi magugulat diba? Tawagin ka ng isang napaka-gwapong lalaki ng 'Babe' out of nowhere, hindi ka magugulat?

Nakita kong tumawa siya nang masamid ako dahil sa sinabi niya. Ininom ko yung softdrinks ko pero samid na samid pa rin ako. Inabot niya yung kanya pero hindi ko agad yun kinuha, baka mamaya mag-assume yung mga tao sa paligid eh.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now