Special Chapter : Vacation

18K 325 20
                                    

KARL VINCENT'S POV

"Anak! Anaaaak!" sigaw ni Mommy mula sa ibaba.

Tch! Inaantok pa ako eh.

"Bakit, Mi!?" pasigaw ko ring tanong.

"Bumaba ka na nga dito! Mag-a-almusal na tayo!" sagot niya.

Minsan nagdududa ako sa Mommy ko, kung totoo bang galing siya sa mayamang pamilya. Tignan niyo naman kasi kung maka-sigaw, parang nasa kabilang bundok ako. Pwede naman akong akyatin saka ako katukin sa kwarto ko para gisingin.

"Anaaaak!" tch!

"Opo! Bababa na po!" sigaw ko tapos ay dahan-dahan akong bumangon.

Tch! Masakit pa katawan ko kaka-langoy kahapon eh.

Oo nga pala! Nasa Boracay kami ngayon. Nagba-bakasyon. Utos ni Daddy eh. Simula nung magkabati kami, palagi na siyang nagpa-plano ng outing pero hindi matuloy-tuloy kasi busy ako sa school.

Pumasok ako sa CR para gawin ang ilang morning routines. Nang matapos ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.

/Hello. Allen?/ bungad ko sa kanya.

/Bilis ah? Wala pang 2 rings sinagot mo na agad?/ ramdam ko yung ngiti niyang nanunukso, kahit wala ako sa Luzon, kaya napa-blush ako. Tang! Kalalaki kong tao, nagba-blush ako? Hayaan na nga. Wala namang nakakakita eh.

/Oh, bakit ka napatawag?/ tanong ko.

/Mangungumusta lang. Ang boring dito sa bahay eh./ sagot niya and, true enough, bored na bored nga siya.

/Eh di matulog ka./ suggestion ko.

/Gosh, Karl! Kakagising ko lang, patutulugin mo agad ako?/ pasigaw niyang sabi pero hindi yung tipong galit.

/Eh ano pala gusto mong gawin?/ tanong ko ulit. Bakit ba tumatawag sa akin 'to? Para lang humingi ng suggestion para maalis ang boredom? Tch.

/Gusto ko sanang gumala eh. Gusto kong pumunta sa bahay mo, kaso naalala ko nasa Boracay ka nga pala ngayon. Sayang! Gusto ko pa namang maglaro nung PS3, meron ka nun diba? Matagal ko na kasing gusto nun eh, kaso sabi ni Mama aksayado daw sa kuryente pag nagka-ganun ako. Saka baka puro laro na lang daw gawin ko at hindi na ako mag-aral./ mahaba niyang sabi pero yung unang parts lang ang naintindihan ko.

Gusto niyang pumunta sa bahay?! DADDY! BAKIT NGAYON KA PA NAG-AYA NA MAG-OUTING! GRRR!

Tinakpan ko yung mouthpiece para hindi marinig ni Allen yung sasabihin ko tapos ay kumaripas ako ng takbo pababa.

"MomDadCanWeGetAFlightBackToManilaThisAfternoon?" mabilis kong tanong sa kanila habang hinihingal.

"Huh? Anong sabi mo? Ayusin mo nga pananalita mo!" bulyaw sa akin ni Mommy habang hawak ang isang tinapay sa kaliwa tapos isang bread knife na may strawberry jam naman sa kanan. Si Daddy, nagbabasa ng broadsheet habang humihigop ng kape.

"I want to go back to Manila this afternoon po." sagot ko.

"Bakit? Anong meron sa Maynila?" tanong ni Mommy with much curiosity in her voice.

Kasi po, gustong pumunta ni Allen sa bahay kasi bored na daw siya. Gusto niya maglaro ng PS3 na binili mo sa akin kasi matagal na daw niyang pangarap yung ganun! Please.

"Basta po!" sagot ko na lang. Hindi ko naman pwedeng i-rason yun 'no?

"Hindi pwede! Isang linggo tayong mag-i-stay dito and that's final! Alam mong ito na lang ang free time mo para sa Daddy mo, gaganyan ka pa?!" sabi ni Mommy.

Para tuloy akong nawalan ng energy dahil sa sinabi ni Mommy.

/Hello?/ bungad ko ulit kay Allen. Medyo umatras ako mula sa dining table para hindi marinig ng parents ko ang pag-uusap namin.

/Oh, bakit ang tagal mong magsalita? Hello ako ng hello, walang sumasagot./ sabi niya.

/Sorry. Pinilit ko pa kasi si Mommy na umuwi kami ng Manila ngayong hapon./ sabi ko yung para bang luging-lugi ako.

/What!? Uuwi ka ng Manila ngayong hapon?! Eh kararating niyo lang dyan kahapon ah? Ungas ka! Enjoyin mo naman yan! Kung ako nasa kalagayan mo, baka nagliliwaliw na ako sa labas ng ganitong oras./ sabi pa niya.

Eh kasi eh. Sabi mo bored ka na.

/Naiinggit nga ako sa'yo eh. Pa-Bora-Boracay ka na lang. Pangarap kong pumunta dyan eh./ medyo malungkot niyang sabi.

Waah!? Wag kang malungkot!

/Anong gusto mong pasalubong?/ bigla kong natanong.

/Wha- Pasalubong? Dadalhan mo ako ng pasalubong? Talaga?/ excited niyang sabi. Yan, dapat ganyan ka lagi kasaya.

/Ayaw mo ba? Wag na lang./ pabiro kong tanong.

/Hindi! I mean, gusto ko! Ikaw na bahala kung ano gusto mong ipasalubong. Ma-a-appreciate ko naman yun eh./ sabi niya which made me smile.

Sige, humanda ka sa pasalubong ko sa'yo.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Maikli, oo. Pero Special Chapter lang naman 'to. Hindi ko pa kasi naiisipan ng karugtong yung nasimulan kong Chapter 21. :)))

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon