Special Chapter : Territory

19.7K 358 41
                                    

Wala akong magawa eh. So, post na lang ako ng chapter kahit pangit. Hahaha. :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

[ May ginagawa pa ako. Mamaya ka na lang magtext, okay? ] text ko sa nangungulit kong 'boyfriend'.

Kaninang umaga pa siya nangungulit na pumunta ako sa bahay nila. Eh tinatamad naman ako.

[ Ayaw mo lang ako makasama eh. :( ] lungkot-lungkutan naman niyang reply.

Hasus! Ang hirap magpalaki ng matanda!

[ Hindi mo ako mapipilit sa mga paawa-awa mong ganyan, Karl. ] reply ko naman sa kanya.

[ Sige ka, hindi na kita iki-kiss. ] reply niya at parang nahihinuha ko na na nakasimangot siya.

[ Edi wag! Sino sa ating dalawa ang sabik sa halik? Ikaw lang naman ah!? ] balik-tanong ko sa kanya pero pabiro lang.

[ Ako pa ha? Eh pag hinahalikan nga kita, para kang batang first time makatikim ng candy eh. ] reply naman niya na ikinapula ng mga pisngi ko. Ganun ba talaga ako? Parang hindi naman!

[ Lul! Kwento mo sa pagong! ] reply ko naman sa kanya.

[ Edi magku-kwento ako kay Jason? :? ] reply naman niya.

[ Ha!? Bakit? Akala ko ba sikreto muna 'tayo'? ] gulat at nagtataka kong reply sa kanya.

[ Oo nga. Kaso sabi mo magkwento ako sa pagong diba? Eh ang slow-slow ni Jason, mas makupad pa sa pagong. Hahaha. XD ] at kaibigan pa siya ng lagay na yan ha?

[ Korni mo, dude! Last mo na yan ha? ] sarcastic kong reply sa kanya.

[ Sige na kasi, BABE! Gusto kitang makita eh. Nami-miss na kita. :( ] ang kulit talaga ng lalaking 'to! Mas makulit pa 'to sa mga batang inaalagaan ko eh. Tss.

[ Bahala ka na nga! ] reply ko na lang kasi sobrang nakukulitan na talaga ako.

[ Yehey! I love you, Babe. :* ] reply niya.

Napailing na lang ako at napangiti tapos ay initsa ko na lang basta ang cellphone ko sa kama. Bumangon na ako at kumuha ng mga damit na pamalit mula sa aking drawer. Maliligo na ako, darating ang aking pinakamamahal na boyfriend eh.

Pero pagbabang-pagbaba ko ay nagulat ako ng makita kong nasa baba lahat ng mga pinsan kong mas nakakabata sa akin, naghahabulan.

"Hey! Bakit nandito kayong lahat? Anong meron?" tanong ko sa kanila.

"Laro tayo, Kuya Allen!" pa-cute na sabi sa akin ni Riah, ang bunso sa aming magpipinsan.

"Oo, Kuya. Aral-aralan tayo! Ikaw teacher namin!" excited namang sabi ni Jerome habang hawak ang kanang kamay ko.

"Teka, may gagawin pa kasi ako eh." sabi ko sa kanila habang dahan-dahan ko silang nilalayo sa akin.

"Kuya, dali na! Please?" pamimilit pa ni Jerome habang hinihila ako.

Nang mapansin siguro ng iba na pinipilit ako nung dalawa, ay nagsitakbuhan sila palapit sa akin at dinumog ako.

Lahat sila ay pinipilit akong makipaglaro sa kanila. At bilang mga pinsan ko naman ito at mas nakababata sa akin, pumayag na ako kahit hindi pa ako naliligo.

Naging teacher ako, doctor, bumbero, multo, tindera sa palengke, tindera sa sari-sari store, pulis, magnanakaw, karpintero, painter, sketch artist, at kung anu-ano pa. Nagtagal ang paglalaro namin ng mga 1 oras. Tumigil lang kami ng mapag-desisyunan ko na talagang maligo.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now