Chapter 6 : Persistence - Annoyance

23.4K 492 39
                                    

This chapter feels so boring but I need to do it anyways. So, in advance, I am sorry for keeping your hopes up on this chapter. I'll do my best to improve the next coming chapters.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Bakit ba Huwebes ang P.E. namin? Punyemas naman oh?! P.E. ko ngayon tapos may pasok pa ako ng Biyernes. Eh puyat pa naman ako dahil tinawagan ako ni Koopa kagabi. Hard!

*FLASHBACK*

/Hello?/ bungad ni Koopa. Pang-8 tawag niya ata sakin 'to eh?!

/Bakit na naman?/ inaantok ko pang tanong.

/Na-istorbo ko ba pagtulog mo?/ malumanay niyang tanong.

/Ay hindi! Nagising lang ako kasi na-sense ko na tatawag ka!/ sarcastic kong sabi sa kanya.

/Sorry. Sige baba mo na, balik ka na sa pagtulog mo./ malungkot pero concerned niyang sabi.

Nakaka-awa naman yung boses niya.

/Wait!/ pigil ko sa kanya.

/Bakit? Sige, matulog ka na. May pasok pa tayo bukas./ malungkot niyang sabi.

Ay shet! Ito kahinaan ko eh. Yung mga nagpapaawang tao.

/Sige na. Mag-usap na tayo. Tutal at hindi rin naman agad ako makakabalik sa pagtulog eh./ sabi ko sa kanya, may halong sarcasm.

/Talaga?!/ excited niyang tanong.

/Oo na./ sabi ko tapos tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader.

/Pero hanggang isang oras lang ha?/ dugtong ko. Alas-onse na kasi, saka sabi ko diba pwede niya akong kausapin ngayong araw?

/Thank you./ sabi niya.

*END OF FLASHBACK*

Hay! Ang hirap talaga pag crush mo ang isang tao pero hindi mo masabi dahil takot ka sa rejection.

Makapasok na nga lang!

English ang first subject namin kasunod nun ang mahabang break namin, which was 3 hours, tapos P.E. na namin.

"Allen!" biglang tawag sakin ng isang babae sa hallway. Pababa na ako ng building para pumunta sa Gym.

Lumingon ako at nakita ko na may kumakaway sakin. Medyo malayo siya kaya hindi ko siya masyadong mamukhaan.

Hinahawi niya ang mga kapwa namin estudyante na naglalakad habang papalapit siya sakin.

"Allen! Buti naman at nagkita na tayo!" sabi ng babae nung makalapit na siya sakin.

Ang babae nga palang ito ay nagngangalang Rosalie, pero gustong-gusto niyang tinatawag siyang 'RR' para daw mas sexy pakinggan.

Nagkakilanlan kami ng personal nung 4th year high school na ako. Sikat siya sa school dahil sa ganda niya at, base sa mga nabalitaan ko, magaling din daw ito sa kama. Ewww lang!

Simula nung magkakilala kami ay hindi na ako tinantanan niyan!

Andyang, bigla niya akong hahalikan sa pisngi kapag wala sina Diane. O kaya, bigla-bigla siyang kakandong sakin kahit nasa harap kami ng maraming estudyante. O kaya ay bigla niya akong yayakapin pag nagkakasalubong kami sa hallway at ididiin niya sa katawan ko yung dalawang pakwan na palagi niyang dala-dala. Pero lahat yun syempre ay hindi umubra.

Ewan ko ba kung bakit ganyan yan sakin. Sabi ni Diane, may gusto daw sakin 'to. Eh nung sinabi ko naman na bakla ako, lalo niya pang pinangalandakan na may gusto talaga siya sakin! Pinamalita niya sa buong school na gagawin niya ulit akong straight at siya mismo ang manliligaw sakin!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now