Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness

28.8K 605 49
                                    

Here's Chapter 3 guys! Picture on the side is of Tao's. He will be playing as our Karl Vincent. Enjoy reading!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"Napanuod mo ba akong maglaro kanina?" tanong ko kay Allen habang nagda-drive ako papuntang SM Manila, nanalo kasi yung team ko sa game eh.

Tinanong ko siya kung anong meron dun pero sabi niya ay wala lang daw.

"Medyo, pero inantok ako eh kaya natulog na lang ako." lame niyang sagot.

"Magaling ba ako?" tanong ko, expectant ako sa isasagot niya eh.

"Oo na lang." lame niya uling sagot.

"Anong 'Oo na lang'?! Napipilitan?" tanong ko.

"Mag-drive ka na lang kasi eh. Ang dami mo pang tanong." sabi niya.

"Opo boss!" sabi ko na lang tapos nag-drive na ako.

Pagdating namin sa parking lot ay agad niyang binuksan ang pinto sa likod.

"Salamat sa paghatid ah? Sige, pwede ka nang umuwi." sabi niya sakin tapos mabilis siyang bumaba ng sasakyan.

Napailing na lang ako sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala siya kasaya kasama. Yung tipong makita mo lang siya, matutuwa ka na.

ALLEN'S POV

Anak ng tokwa naman oh?! Nalimutan ko pa ata cellphone ko sa kotse ni Koopa.

Bale na nga! Magkikita rin naman kami ni D sa McDo eh. Bukas ko na lang kukunin sa kanya yun.

Nang makarating ako sa McDo ay nakita ko agad si Diane.

"D!" masaya kong sabi habang kumakaway papunta sa kanya

"A! Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? I've been calling you for the past 30 minutes. Nag-alala ako, akala ko may nangyari nang masama sa'yo eh." worried na worried, as in super worried, ang itsura niya.

Napangiti na lang ako sa pag-aalala sakin nitong one-fourth dragon, one-fourth amasona, one-fourth bruha at one-fourth human kong bestfriend.

"Medyo OR ka dun!" sabi ko sa kanya.

"Masisisi mo ba ako? Syempre mag-aalala ako, bestfriend ko yung hindi ko matawagan eh. Malamang maraming papasok sa utak ko, bad ones at that!" sabi niya pa. Pasigaw! Grabe, ang lakas talaga makanakaw ng atensyon ng boses nitong babaeng ito!

"Tulad ng?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

"Uhm, baka nasagasaan ka ng 18-wheeler na truck, baka nabugbog ka ng mga mukhang goons, baka na-holdap ka tapos kinuha pati mga damit mo o baka naman na-kidnap ka ng isang pangit na tao or WORSE, baka na-rape ka ng isang pangit na tao tapos may HIV pala siya! ALLEN!" sunod-sunod at mabilis niyang sabi tapos inatungal niya yung pangalan ko sa huli na akala mo ay namatayan siya.

"OR ka talaga! Okay lang ako, okay? Nandito na ako sa har--" natigilan ako nang may biglang humawi sakin.

"Miss, mukha ba akong kidnapper para sa'yo? Mukha ba akong holdaper? At lalong-lalong mukha ba akong RAPIST?" biglang singit nitong si Koopa. Medyo naiinis yung boses niya, mapagkamalan ba naman eh. Hahaha. Pero bakit nandito siya? Pinauwi ko na siya ah?

Nakita kong tiningnan siya ni Diane at medyo nainis ako sa CHIMAERA kong kaibigan dahil yung titig niya ay parang sinusuri niya si Koopa.

"At sino ka naman? Wait! Wag mo munang sagutin yung tanong ko, since nauna mo akong binombard ng tanong, ako ang unang sasagot. Hindi ka mukhang bad guy, ang gwapo mo nga eh. Angelic ang fez mo. There, nasagot ko na." uhm, nalimutan ko bang isama sa ingredients ng pagkatao niya yung kabaliwan niyang kasing-laki ng elepante?

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now