Chapter 8 : Rain - Offer

22.4K 474 39
                                    

At dahil sa natuwa ako sa program ng last day ng Foundation Day ng Alma Mater ko, here's Chapter 8! Happy 48th Foundation Day sa pinakamamahal kong paaralan! Enjoy reading!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

*FLASHBACK*

"Ano bang ginawa mo at ganun na lang bigla ugali nun sa'yo? Nung isang araw lang parang nililigawan ka niya, ngayon parang nag-break kayo at ikaw ang may kasalanan." biglang sabi ni Jomar, out-of-nowhere, habang nagda-drive siya along Quezon Avenue.

Napalingon ako sa kanya with a shocked expression. Sino ba namang hindi diba? Ang ganda ng example niya, parang ang sarap totohanin! Nililigawan ako tapos ako pa ang may ganang makipag-break? Wow! Sana lang totoo.

"Ah, hindi yun katulad ng iniisip mo! Ang ibig kong sabihin, palagi siyang nakadikit at saka sunod ng sunod sa'yo noon tapos ngayon biglang parang batang nagsusungit naman siya." sabi ni Jomar. Salamat ha? Sinira mo yung moment ko eh.

"Ewan ko sa inyo. Wala akong paki kung magsungit siya. Siya lang naman 'tong feeling close sakin eh." sabi ko na lang tapos tinukod ko yung siko ko sa may pinto at pumangalumbaba.

Pero napaisip ako. Bakit nga ba nagsusungit siya? Eh nung isang araw lang pinipilit niya akong maging kaibigan tapos ngayon, susungit-sungitan niya ako? Ugh! Bahala na nga siya! Pogi nga, may topak naman! Wag na lang din kung ganun!

*END OF FLASHBACK*

At ayun nga! Sabi ni Jomar, hahatid niya ako sa sakayan pero ang ending ay ibinaba niya ako malapit lang samin. Swerte!

"Anak! Male-late ka na! Alas-otso na oh?!" biglang sabi ni mama. Kasi naman eh, nape-preoccupy ang utak ko dahil kay Koopa. Ano ba? Umayos ka nga Allen! As if namang may nararamdaman sa'yo yung tao kaya ganun na lang kung magalit sa'yo diba?

"Oi! Ano? Tinubuan ka na ba ng ugat diyan kaya hindi ka na makagalaw?" sabi ni mama, na nasa may pinto na pala ng kwarto ko.

"Oo na, Ma! Mabilis lang naman biyahe ngayon eh. Wag kang mag-alala." pag-a-assure ko sa kanya.

"Che! Ganyan din sinasabi mo sakin nung high school ka! Buti na lang at hindi ganun kahigpit ang school niyo noon sa tardiness." sabi niya. At natawa ako sa 'tardiness' niya. Hilig talaga nito mag-Taglish pag may pino-point out.

"Oo na! Don't worry, first week pa lang naman eh." sabi ko.

"Oo na, sige na! Pasok na!" utos niya kaya dinampot ko na yung bag ko at bumaba na.

Diretso labas na ako at lumakad papuntang terminal. Medyo makulimlim ang panahon ngayon pero sa tantiya ko ay hindi ako aabutin ng ulan, kung uulan man. Confident akong sumakay ng jeep at umupo sa dulo, yung sa tabi lang ng tarangkahan.

Sinaksak ko yung earphone ko sa tenga ko at nagpatugtog.

Malapit na ako sa destinasyon ko nang biglang bumuhos ang ulan. Shet! Wala pa naman akong dalang payong!

Bakit biglang umulan? Nung Lunes lang, ang init init ah?! Pakshet na climate change nato!

Nang may pumarang kapwa ko estudyante ay agad na akong bumaba. Tinakip ko yung bag ko sa ulo ko at tumakbo sa may waiting shed na punong-puno na rin ng mga estudyanteng walang payong.

Help me! I'm stranded! Payong naman dyan!

KARL VINCENT'S POV

Bakit umulan? Kung kelan naman nag-commute lang ako oh? Dapat talaga nakikinig ako ng balita eh. Para naman malaman ko kung kelan pwede o hindi ko dapat dalhin yung sasakyan ko. Pero buti na lang at may dala akong payong, ayos na rin 'to.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now