Chapter 9 : Blush - Punch

24.2K 489 32
                                    

Chapter 9 na! Dito niyo na mami-meet si Jakey-baby, though wala akong visual representation sa character niya. Hahaha. Vote or Comment! :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Bakit ba ako ang nag-offer na ihatid 'tong si Allen? Galit ako sa kanya diba? Pero kasi nung nakita kong ganun yung kalagayan niya, parang naawa ako.

"Mahirap sumakay ng ganito ang lagay ng panahon." sabi ni Allen.

Napaisip ako, kung ganun din naman pala, dapat akong makaisip ng paraan para mas makapagpahinga siya. Hmmm.

"Sa mall na lang kaya tayo pumunta? Pwede kang magpahinga dun. Magpatila na rin tayo ng ulan saka kita ihahatid sa inyo, okay?" suggestion ko.

Napalingon siya sakin na parang nagtatanong pero nag-iwas din agad.

"Teka, yung gamot mo ba nasa iyo?" tanong ko sa kanya. Parang napansin ko kasi na hawak yun ni Jomar kanina pero bilang nakatulala siya kanina ay hindi niya iyon nakuha.

"Fudge! Nalimutan ko sa kaibigan mo yung gamot!" sabi niya tapos tumalikod siya sakin paharap sa direksyon ng school.

Bago pa siya makahakbang ay hinawakan ko yung balikat niya. Naramdaman kong parang nagitla siya kaya binaba ko din agad yung kamay ko.

"Sorry. Wag mo nang balikan yun, ibibili na lang kita sa mall." sabi ko habang nakatalikod siya sakin. Nung lumingon siya ay nag-iwas agad ako ng tingin.

"'Lika na." aya ko sa kanya at nagsimula na ulit kaming lumakad. Tumawid kami kasi sa kabilang side pa yung papuntang mall eh.

Dahil sa maaga pa at medyo maulan, ay konti lang ang dumadaang jeep. Pero after 10 o 15 minutes ay nakasakay din kami. Sa may tarangkahan lang kami umupo para madali lang kaming makababa.

Sa biyahe, napansin kong nakatingin samin yung dalawang babae na katapat namin. Bulungan sila ng bulungan tapos ngingiti o kaya tatawa. Buwang ba 'tong mga 'to?

"Kuya, para na po dyan sa may City Hall lamang." biglang sabi nung isa sa nagbubulungang babae. Bumaba na rin kami kasi dun din ang destination namin.

Pinayungan ko si Allen kasi baka lumala ang sakit niya.

"Nababasa ka." mahina niyang sabi at napangiti na lang ako sa kanya.

"Okay lang yan. Basta wag ka lang mabasa." sabi ko at nakita kong namula yung pisngi niya.

Shoot! Bakit parang gusto kong pisilin yung mga pisngi niya? Ang cute niya kasi eh.

"Tuloy pa ba?" bigla niyang tanong, na mukhang may halo ng tono ng sarcasm.

"Huh? Oo! Sige na, lakad na." sabi ko na lang sa kanya, though medyo napahiya ako sa pag-space out sa harap niya.

10 pa ang bukas ng mall kaya pumila muna kami ni Allen, 9:40 pa lang kasi.

"Karl, may tubig ka ba dyan? Nauuhaw ako eh." mahinang sabi ni Allen.

"Wala eh. Teka, ibibili kita." sabi ko sa kanya. Hahakbang na ako ng bigla niyang hawakan yung braso ko.

Hindi ko malaman kung ano yung parang kuryente na dumaloy sa katawan ko pero nawala din agad iyon nung bumitaw siya sakin.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa mga mata ko. Muli ko na namang naramdaman yung feeling na nakatulala lang ako sa pagtitig lang sa kanya.

"Uhm." bungad niya.

"Ano yun?" tanong ko ng nakangiti. Inaantay ko yung sasabihin niya, para kasing may importante siyang sasabihin eh.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now