Chapter 14 : Sleep - Thanks

20.9K 405 42
                                    

Sad to hear the news about Cory Monteith (Finn Hudson in Glee). Rest In Peace.

Anyways, isa akong dakilang tamad, kaya wala akong makitang picture ng ating mga bida na natutulog. Pero bilang natuwa naman ako sa nakita ko, siguro naman, that picture on the side, makaka-satisfy na sa imaginations niyo. Unawain niyo na lang katamaran ko. Huehuehue. XD

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Tarantadong Allen 'to! Ginagago ata ako nito eh!

Sipsipin ba naman yung hotdog!? Nakaka-ilang! Iba kasi naisip ko eh! Yung alam-niyo-na.

Aaminin ko, na-awkward-an talaga ako. Eh naano ako eh, yung ano ko umano! Basta! Gets niyo na yun! Ewan ko nga kung bakit eh. Diba dapat mandiri ako kasi lalaki yung gumagawa nun? Pero hindi eh, na-arouse pa ako! Pakining shit!

"Bilisan mo!" tensed na tensed na sigaw ni Allen. Nung lingunin ko yung TV nakita ko na yung isang character ay hinahabol ng mga 'Walker'.

Bumuntong-hininga siya nung makaligtas na yung character. Grabe manuod 'to, damang-dama!

Bigla naman siyang tumayo at pumunta sa kusina. Narinig ko yung pagtama ng pinggan sa lababo kaya naisip kong huhugasan na niya ito.

Pagtapos ng ilang minuto ay bumalik na ulit siya sa sofa. Nagpunas ng kamay sa shorts niya at saka nag-focus sa panunuod.

After ng mga 3 episodes ay nakaramdam ako ng antok. Wala kasing kausap eh. Si Allen naman biglang hindi na nagsasalita.

Paglingon ko sa kanya ay natutulog na pala! Kaya pala tumahimik bigla! Tch!

So, ano na? Aantayin ko lang siyang magising?

ALLEN'S POV

Huh? Bakit nandito ako sa kwarto ko? Teka, anong oras na ba? Nyeta kasi eh, nakatulog ako. Saka bakit nakakumot ako? Ang init-init eh.

Nagulat na lang ako nang tanggalin ko yung kumot!

SI KARL! SI KARL NASA KAMA KO!

Nataranta ako kaya halos itulak ko na siya, pero natigilan din ako nung makita ko yung mukha niya. Nakadapa kasi siya at nakaharap sa akin.

Ang gwapo niya kahit natutulog! Ang sarap kurutin ng pisngi niya. Tapos yung labi niya parang... parang... ang sarap halikan!

Ugh! Not now Allen! Gisingin mo na yang lalaking yan para pauwiin. Na-enjoy niya 'tong bahay ah?

Tinusok ko ng daliri ko yung pisngi niya. Aba'y ni hindi man lang kumibo! Again! Ayaw pa din!

"Karl." pabulong kong sabi habang tinutusok ko yung pisngi niya.

Narinig ko naman na umungol siya ng mahina kasabay ng paggalaw ng isang bagay sa may baywang ko.

Anak ng! Paano napunta dun ang kamay niya? Fast hands 'tong mokong na 'to ah?! Pero bago pa man ako makapag-react sa pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko, ay bigla itong humigpit at parang inilapit ako sa kanya. Ang lakas pala nito pag tulog? Siya ata ang dapat na tawaging 'Halimaw' sa aming dalawa eh.

Kadikit ng katawan ko ang katawan niya tapos yung mukha namin, halos kalahating dangkal na lang ang pagitan! Shete!

Naaamoy ko na yung hininga niya! At ang baho nito! Hehehe. Joke lang. Amoy mouthwash yung hininga niya. Siguro marami silang mouthwash sa bahay. Huehue.

Natigilan ako nang biglang humigpit na naman yung kapit niya sa baywang ko.

"Dito ka lang, please?" mahina niyang sabi. In his husky voice. Waah! Nakaka-arouse! I must get away from this dude hangga't tulog pa siya!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now