2

5.5K 112 4
                                    

Nathalie

"Ang tagal mo naman Fionna. Dali na punta na tayo dun" sabi ni Madison habang hinahantay si Fionna na hanggang ngayon nagsasapatos pa din.

"eto na eto na dali takbo!" Sabi niya kaya nagtakbuhan kami. Kami nalang kasi yung naiwan at nagpunta na yung iba sa theater.

"Gaga kayo nakakahingal" sabi ni Star at uminom ng tubig. Dalawang building pa ang malalagpasan namin bago kami makapunta dun.

Madami nang tao pero sumingit kami sa pinakaunahan at kitang kita namin yung mga c.e.o ng big company na kumukuha ng mga trainees.


"Hala ayan. Expected ko lahat silang lima makukuha" sabi ni Unice sa tabi ko kaya tumutok nalang kami. Pero swear ko may iiyak jan.


Habang kumakanta sila ay madadama mo talaga yung kanta nila. Magaling silang lahat at bago yun. Mukhang lahat nga sila makukuha bukas.


"Okay, my comment is.. all of you did great. Im speechless and amazed. Ms Kim you have a good voice that can combine with Ms Hani. I think all of you will debut on my company" nagpalakpakan ang lahat ng sinabi iyon ni TY. CEO ng CSW company.

"Ohoho, that's if she wants to be with you. Hahahaha peace TY" sabi ni BS. Im pretty sure na lahat sila ay mapupunta sa CSW company. Duh! Bigtime kaya yan at minsan lang pumuri si TY no!

"Okay then. Sing again but one by one. You have 10 minutes to prepare"

Nagusap usap sila at rinig namin yung mga pinaguusapan nila and ngayon sure ko na na isa sa kanila ang mahihiwalay.

"I only want Hani. I want her to be my rookie" sabi ni B.S. nako, mukhang mahihiwalay si ate Hani. Pero okay lang yan! Support pa din ako sa kanya.

"She's beautiful. Pwede syang sumikat agad kahit magisa lang" sabi naman ni C.L na CEO ng KJY. Waaah gusto kong maging si Hani. Pinag-aagawan sya!

Pagkatapos ng 10 minutes ay nagbalikan na sila. Unang kumanta ay si ate Hani. Ang ganda nya at ng boses nya. Perfect sya maging idol.

"Boo!!!!!!" Nagulat kami nang madaming nag boo kay ate Hani dahil bigla syang pumiyok sa mataas na pagkanta nya.

"Stop it! Kayo dito kumanta at sya ang mag-boo sa inyo!" Sigaw ng trainer ni ate Hani na nasa stage din. Napangisi yung tatlong CEO ng company dahil sa nangyari. What happened? Hindi pwedeng ganun.

Pagkatapos ni ate Hani ay bumaba syang nanlulumo. Sunod naman na umakyat ay yung isa nilang kasama na si ate Pat.

Pagkatapos ni ate Pat ay sila ate Kim na at yung iba pang kasamahan nila.

"We'll be back tomorrow and then you'll pick a company that you like"

Syempre magkakaibigan na sila. Gusto nila sa iisang company na sila para magkakasama. Sino ba namang hindi diba? Sana lahat sila matanggap.

Pagtapos ng palabas ay pinapunta na kami sa klase. Nakasalubong pa namin sila Travis papunta rin sa room kaya nagsabay sabay nalang kami.

"Grabe yung pagpiyok ni ate Hani. Di ko inexpect. Lagi nya yung kinakanta sa music room eh. Bakit nagkaganun?" Tanong ni Madison

"Oo nga. Baka kasi hindi na rin nya napapahinga yung lalamunan nya dahil sa pagpapractice. Baka bukas pagnamili na sila eh ireject sya bigla. Nakakadisappoint pa naman yun kasi sya yung pinaguusapan kanina" sagot ko.

Pagdating namin sa room ay nakaabang na yung trainor namin at may binabasa ding article.


"Sitdown guys" sabi niya nalang kaya umupo kami at umupo din syang nakadekwatro. Sya si Ms Stacey. Chin yung nickname nya at di ko alam kung bakit Chin. at hindi apelyido.

"Okay so kakabasa ko lang nitong article about sa trainees and it's nice to say na magkakaroon ng program next week ang mga next batch na magiging rookies"

"Ms Chin what do you mean?"

"kasali ang grupo nyo sa program na yun. Ang kailangan nyo lang eh practice. If you like na magsolo then go. If you like na may kaduet and go din kahit na maggrupo pa kayo. Bukas, pagtapos manuod sa theater ay kailangan nyong ipakita kung anong ihahanda nyo samin."

"Samin?" Tanong ni Unice.

"Yes. Kasama ang direktor ng school. Kaya dapat ready kayo. Walang kakaba kaba"

"Okay miss."

"So what is the topic last time?" Tanong nya kaya agad nagtaas si Star.

"Feelings and emotions"

"Good. Gusto nyo bang makasali sa program na yun o hindi?"

"Gusto!" Sigaw naming lahat.

"Taas ang kamay nang may gusto" lahat kami ay nagtaas ng kamay dahil gusto na rin naming makapagperform.

"Pagtapos ng next batch ay batch nyo na ang kukunin bilang rookies ng mga company"

"Whoa, miss hindi pa po kami nage-18" sabi ni Travis na kinatango namin.

"And that's new! Basta ready na kayo, go for it. Kahit 16 ka man basta nakitaan ka ng potensyal ay makukuha ka. That's why we need the feelings and emotions. Kung masaya yung kanta or sayaw mo, edi dapat masaya ang emotion mo dun at kung malungkot, edi malungkot. Sino gustong magsample?"

Starfield University (Campus Queens 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon