45

790 34 1
                                    

Madison

Umakyat akong nakahawak pa din sa pisngi ko. Ginawa nya talaga yun? Kiniss nya ako? Magiiwan nalang sya ng remembrance, nahuhugasan pa. Pero okay lang, nasa isip ko naman yun palagi.

Pagakyat ko sa dorm, walang tao. Siguro nagsisiiyakan pa yung mga yun.

Alam kong malabong tuparin ni Gian yung pangako nyang papasok pa din sya. Alam kong may pagkakataon na hindi na sila nakakabalik dito at kung babalik man, may kasama nang iba. May kaibigan nang iba at may camera nang nakasunod sa kanila. Bakit pa nga ba ako nagtataka?

"Hay nako, Gian" natawa ako sa sarili ko ng makita yung tubigan nya sa kama ko. What the hell? Hahahaha.

Binasa ko yung notes na nakadikit.

"Mad, di ko alam bakit ang slow mo tuwing nagiiwan ako ng tubig. Ayokong napapagod ka pero try your best to be an idol. Alam kong magiging isa ka sa best female artist tulad ng pangarap mo. Malay mo, maging magkatrabaho pa tayo. At pagnangyari yun, ako na siguro ang pinakamasaya. Lagi kitang papanuorin pero baka hindi kita masuportahan kung iba ang leading man mo hahaha.

Yun lang Mad, always smile.
Ps. I really like you.
-Gian ;)"

"Ang sweet, haha" ayan, kausap ko nanaman sarili ko.

Hindi naman pwedeng pigilan ko sya at magbackout dun. Sayang yung naipon nya dito sa University. Ako ang manghihinayang. Ang selfish ko pagnagkataon. Happy nalang ako na nakapasa sya. I know magkikita at magkakasama kami sa iisang project. Magiging inspirasyon ko nalang sya.

"Don't worry, Gian, hahaha, i like you too"

Napahawak ako sa phone ko pagkavibrate nito at sinagot yung tawag nila Star.

"Maddie? Nasan ka?"

"Nandito sa dorm. Magisa lang.why?"

"Nasa labas kami. Ipapasyal kami ni miss Chin. Sama ka?" Nataranta ako sa sinabi nila at dali daling bumaba.

"Oo naman! Hintayin nyo ko!"

Pagbaba ko, hinarang ako ng guard pero nagpakita si Miss Chin kaya pinayagan din ako lumabas. Akala ko hindi na ako papalabasin eh! Ayokong maiwan sa dorm magisa no!



"San tayo pupunta?"


"Ililibre tayo ni miss Chin magpasalon! Tapos magmamall na din" sabi naman ni Jenny.

"Weh? Game tara na!"

"Teka, hindi mo nakita si Caellie dun?" Tanong ni miss Chin pero umiling ako.

"Dapat kaibiganin nyo sya ha? Kokonti nalang kayo" sabi ni miss Chin kaya tumango kami saka sumakay ng jeep papuntang mall.


Pagdating namin dun, kumain muna kami sa manginasal at binusog ni miss Chin. Alam naming pinapagaan lang ni miss Chin yung loob namin. Ang bait nya talagang trainor.


"Okay ka na ba Unice?" Tanong ni Vince. Tumango sya na naiilang. Ikaw pa naman umamin harap harapan eh hahahaha.


"Ikaw Maddie?"


"Oo naman."


"Ikaw Star?"



"Yep!"


"Ako din okay na kaya wag mo nang tanungin. Si Unice halatang hindi pa okay" sabi ni Jenny. Oo. Halata naman dahil wala pa din syang gana.


"Okay na ako. Hindi ko lang matanggap na 10 years na ako sa starfield tapos ako pa yung hindi matatanggap. Ako pa yung maiiwan pa ng mas matagal"



"Hindi lang naman ikaw Unice eh. Nanjan kaya si Maddie, si Vince at si Travis. Pare pareho tayong naiwan ano"


"Oo nga eh. Ewan. Di matanggap ng isip ko na ganun yung nangyari."



"Makakamove on ka din. Sila nasa next level na, tayo machachallenge pa at mas maganda yun kaya wag kang mag-alala"



"Okay lang yan, Unice. Proud pa rin naman sa inyo ang parents nyo at syempre ako din. Isa pa, mas maganda na yung step by step kayong paangat. Hindi yung biglaan kasi baka hindi kayo makapag-adjust"




"Thank you miss Chin. Ay oo nga pala, kamusta kasal nyo? Biglaan kang napasugod ah"


"Oo nga eh. Second day ko lang tuloy kayo napanuod. By the way, nakasal na kami nung nakaraan. Pero hindi kami nakapaghoney moon. Syempre mas mahalaga kayo no"




"Nako miss Chin, nakakaabala pa kami. Pano yun? Baka magalit samin si sir" sabi ko pero umiling sya.



"Para na namin kayong mga anak kaya wag na kayong mag-alala. Tara, tapos na ba kayo?"

"Opo"


"Ano bang gagawin nyo sa buhok nyo?"

"Miss papakulay lang ako." Sabi ni Carl kaya tumango si miss. Ano namang gagawin ko sa buhok ko? Ah! Wag na sa buhok.


"Miss papamanicure pwede? Ay pakulay na din!"

"Sige sige. Lahat nalang kayo magpakulay. Tara na"



Starfield University (Campus Queens 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon