74

947 31 0
                                    

Sabrina

"Lucky aces"

"Wow! Ang angas ng pangalan nyo." Sabi ni Kean kaya nagthank you ako. Syempre maangas talaga

"And the background for our group name, yung lucky aces,kaming lima yun at mayroong tinatawag na 'hidden aces' which is kami ni Jillan"

"Ay iba! Special naman po pala!" Sabi ni Caellie kaya nag-apir kami.

"Syempre naman! Galing tayo sa special section eh! And oh, dapat kasali si Nathalie sa hidden aces. Ang nandun na quality kasi is maganda, talent sumayaw at kumanta, mag rap, at mejo matangkad kaya pumasa tayong tatlo"

"Pano mo nalaman ate Sab?" Tanong ni Jillian na nagtataka. Oo nga pala, di ko nasabi.

"I saw the paper in our contract. May nakalagay dun, 4 years trainee pagkatapos ay debut(deybyu/ para sa mga nagtatanong ng pronunciation) then sa pinakadulo nakalagay yung mga members ng original na kasama yung hidden aces. Sa kabilang banda ay yung hidden aces lang and i saw Nathalie's name but nakabura na"

"Wow, sayang pala yun" sabi ni Travis pero umiling ako.

"Sayang?walang sayang dun. Kahit ajo gusto kong umalis si Nathalie" sabi ko kaya nagulat sila. Yung iba nakakunot yung noo kaya agad akong umiling.

"hindi na maganda ang trato kay Nathalie dun. Madalas oo pinagtatanggol namin sya ni Dave. Lagi lagi kaming magkakasama but lagi nalang syang napapatawag ni TY dahil sa mga reports sa kanya. May naglalagay ng gamit ng iba sa locker nya kaya napagbibintangan sya. Nung una nag-away kami kasi iiwan nya kami. Kasi hindi sya nagpakatatag pero naintindihan ko din. Lalo na kung isa sa magiging kagrupo namin sa lucky aces ay si ate Kim"

"BOOM!" sabi ni Renz kaya nabatukan sya ni Nathali dahil sa panggugulat.

"Masaya na rin naman ako ngayon sa PMC. Alam kong alam na ni daddy na nandun ako kahit pa hindi kami nagkikita. Syempre lumalabas na kami sa youtube"

"Yep. I'm sure he's proud of you" sabi naman ni miss Chin.

"May isa nga akong badnews eh" sabi ni Solar.

"Kahapon sa meeting namin, sila Kean, Mark, Gian, si Heinz at ako, (si Heinz rookie din na nakasama nila) ay malapit ng magdebut. Yep, kasama ako sa kanila." Napatingin kaming lahat sa kaniya na nakakaunot ang noo. Anong badnews dun?

"Anong badnews? Magdedebut na kayo badnews pa? Grabe ka" sabi naman ni Star kaya tumango ang iba.

"The badnews is, sa canada kami mag dedebut at hindi dito. Magiging grupo kami at mas maganda daw kasi ang blending pag may babae."

"Congrats.." sabi ni Madison na pinipilit ang ngiti. Syempre, malalayo sa kanya si Gian.

"Wag ka nang malungkot Mad. One week na nga lang kami dito malulungkot ka pa? Wag kang mag-alala, kung pag-gawain nila ako ng kanta, tutungkol yun sayo promise" sabi ni Gian kaya natawa si Madie pero pilit.

"Ano ka ba! Nag jojoke lang ako eh. Sineryoso mo naman"

"Yep! Kami din magdedebut daw sa ibang bansa pero i think hindi pa ngayon. 2 years? 2 years ba Gray? kasi kikilalanin namin yung makakasama namin sa isang grupo sa ibang bansa. So our task is, kailangan makuha namin yung language and culture nung bansang yun. Ang sabi pito daw kami ibig sabihin lima sa ibang bansa. Grr" sabi ni Fionna.

"Oo nga eh no? Pero okay na din" sabi naman ni Gray.

"Buti nalang nasa iisang company tayo. Magkikita pa rin tayo lalo na kung mag-woworld tour." Sabi naman ni Hiro.

"Ew, obsessed kay Fionna" natatawang sabi ni Nathalie kaya nagtawanan kami.

"Tingnan nyo, sa ibang bansa naman pala kayo madidistino tapos gusto nyo pang maging ninang at ninong ng anak ko! Ayoko nga,baka walang magbigay!" Natatawang sabi ni miss Chin.

"Okay lang na di tayo magkita kita. Just promise each other na magkikita kita ulit kayo....ㅡ" natahimik si miss Chin habang naglagay ng kamay sa gitna at pinatungan namin.

"Magkikita kita uli kayo sa ASIA'S ARTIST AWARD! Gusto ko mag karon kayo ng interaction dun. Gusto ko din lahat kayo mananalo. Magkakatabi at syempre maguusap. Hindi pwedeng kung sino ang naunang sumikat hindi na mamamansin ha?" Sabi ni miss Chin kaya tumango kaning lahat.

"Go fight.. the dreamers! HAHAHAHAHA!"


Lumapit ako kay Jillian at inakbayan sya dahil kausap nya nanaman yung crush nya. Tuwing nasa dorm kami sa CSW company, lagi niya saking kinikwento yung crush nya. Kalandi ng batang to! Joke hahaha.



"Hoy, bata ka pa wag ka munang lumandi" sabi ko sa kanya kaya natawa si Kean sa kanya at lalo syang sumimangot.


"Oo nga. Bata ka pa. Next time nalang pag dalaga ka na okay? Sabihin mo sakin sino crush mo at pagsinaktan ka nun, bubugbugin ko"



"Edi bubugbugin mo sarili mo ganun?" Tanong ko kaya naguluhan sya.



"Wala kuya Kean! Alis ka na nga!" Sabi naman ni Jillian.


"Ahh... so sikreto palang pala? Noted! Di mo naman sinabi, madaldal pa naman ako" sabi ko at natawa.

ㅅㅅㅅㅅㅅ

[A/N: YOOOOOOOOW EPILOGUE NA NEXT!!! 💙❤ MAMIMISS KO NANAMAN ANG CHARACTERS DITO AT SA MGA IBA KONG STORIES OMG. EPILOGUE AND 3 SPECIAL CHAPTERS I GUESS THEN BABAY NA! GOING TO SPECIAL SECTION YIPEE!']

Starfield University (Campus Queens 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora