29

949 42 1
                                    

Renz

"Nandito na tayo"

Napatanggal ako ng eye mask ko at tumayo kaya bigla akong nauntog.

"Tanga tanga talaga" naiiritang sabi ng katabi kong si Nathalie. Malay ko bang mauuntog ako sa aircon ng bus! Hay nako.

"Tara na nga"

Nahuli kaming lumabas dahil pinauna ko yung mga nasa likod. eto na. Eto na talaga. Magrerecord na kami.

Pagdating namin sa loob, pinaupo kami at may nakaupo din na lalaki sa pinakaharap.

"So, alam nyo naman siguro yung pinunta nyo dito diba?"

"Yes po" sabi ni Unice.

"Here's our contract. Magkakaroon naman kayo ng credits sa tuwing natatapos ang show. So, let's start?" Sabi nito kaya tumango kami at dinala sa studio.

Unang pinapasok sa loob ay si Gian at Madison. Binigyan sila ng script at pinakanta sa kanila yung katulad sa kinanta namin nung program.

Kinanta nila yung i see the light na galing sa tangled. Ang lupit. May pagtinginan sila. Kami ni Nathalie malamang eh magsasamaan kami ng tingin.

"Okay, perfect. Next is, A whole new world. Sino dun?" Tanong nya saka nagtaas ng kamay si Star at Travis at pumasok sa loob.

"Uy, bakit kaba nakabusangot jan?" Tanong ko sa katabi kong parang pasan ng kilay ang buong mundo.

"Wala kang pake"

"Pano pagkakanta na tayo?"

"Okay lang yan"

Napakamot naman ako sa sinasagot nya. Bahala na nga. Sya naman ang papagalitan at hindi ako.

"Okay next, sa high school musical, can i have this dance"

Pumasok kaming dalawa dun at kumanta. Buti nalang at may pangiti ngiti na sya ngayon. Napapangiti din tuloy ako.

Pagtapos nang pagkanta namin ay pinapasok na rin sila Unice at Vince. Nakita ko namang lumabas si Nathalie kaya sinundan ko.

"May problema ka?"

"Wala!" Nagulat na sabi niya.

"Weh?"

"Oo nga. Bumalik ka na dun"

"Are you sure?"

"Oo nga. Dali balik!"

Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa loob.

Pagtapos naming lahat, pinakain kami ng mga staff.

"Ang galing nyo pala talaga. Pagprofessional eh. Channel 3 mapapanuod nyo na nextweek yung show. 8pm. Gagawin kasi naming OST at background music mga kanta nyo. Goodluck at sana sumikat kayo agad"

"Thank you po!" Sabay sabay din naming sabi. For sure sisikat kami agad. Pogi na talented pa.

"Sige po, mauuna na kami"

"Sa uulitin!"

Nagpaalam na kaming lahat at bumalik na sa bus. Wala si Nathalie. Bakit wala sya dito?

"Teka guys wala pa si Nathalie"

"Ha? I missed call nyo!" Sabi ni Fionna kaya naglabasan kami ng cellphone saka ko narealize na wala nga pala akong number nya.

"Ayan nagtext sakin. Hindi daw muna sya makakabalik sa dorm dahil nagtaxi sya papuntang hospital"

"Anong ieexcuse natin sa bagong trainor natin? Hayp pa naman yun" natatawang sabi ni Dave kaya binatukan sya ni Carl.

"Nagpaalam na daw sya. Tara na alis na" sabi niya. Pwede ba yun?

Pagalis ng bus ay natulog nalang ako. Walang magsisita sakin sa katangahan ko. Hay nako Nathalie.



Nakarating kami sa school at dumeretso agad sa dorm. Napakaaga pa para matulog at wala na kaming klase.

"Renz tara" sabi ni Travis. Tumango ako sa kanya at nagpunta kami sa likod ng building. Nandito din si Mark, Unice at Solar.

"Nasaan na sya?"

"Susunod daw"

Ano pinaguusapan nila? Bakit di ko alam?


"Ayan na sya" napatingin ako sa kararating lang ni Star na mukhang iritado ang mukha.

"Oh?"


"Umupo ka muna" sabi ni Solar kaya umupo naman sya.

"Umaalis ba kayo ni Carl tuwing gabi?" -Mark

Ah! Weh? Bakit? Paano?

"Ano ba namang tanong yan. Syempre hindi. Bawal lumaㅡ"

"Star nagdedate ba kayo ni Carl?" -Travis


"Syempre hindi! Wala naman kayong ebidensya na magkasama kami o nagdedate kami"

"Nakita kita kagabi, Star" sabi ni Travis kaya napatingin sya kay Travis na may paglalaki ng mata.

"Lagi din naming napapansin si Carl na umaalis at umuuwi ng gabi. Diba bawal? Mali pa kasi tumatakas kayo at lumalabas!" Hindi na kami nagsalita dahil sa pagtataas ng boses ni Travis at pagsasagot ni Star. Sila lang yung nagsasagutan in short.





"Alam ko!"

"Eh bakit tinutuloy mo pa din? Ikaw na nagsabi na bawal kayong magboyfriend. Ikaw na mismo nagsabi na ayaw mong magboyfriend!"


"Eh bakit baㅡ eh gusto ko sya!"


"Star.." -Solar at Unice

"Star Venice!" This time ay ako na ang nagsabi sa kanya. Hindi pwede. Hindi sila pwedeng magboyfriend.


"Bakit ba? Inamin ko lang naman na gusto ko sya. Hindi niya naman ako nililigawan at hindi ko rin naman sya sasagutin!"


"Star, sinabi mo na dati na hindi mo sya magugustuhan kahit anong mangyari. Tapos nagustuhan mo sya. Tapos ngayon hindi mo sasagutin? How can you be so sure? Star wala kang isang salita" -Mark



"Sana naman hindi bigdeal sa inyo yun."


"Sana din maisip mo na concern lang kami. Kaya ngayon kailangan mo nang itigil ang pagtakas mo at paglusot mo sa kung saan" -Travis



"Okay na. Okay na." Tumayo sya at umalis saka sinundan ni Solar at Unice. Napatingin naman ako kay Travis na nakayuko at nagagalit.


"Hindi pwedeng maging sila. Pagsasabihan ko yang Carl na yan. Kakarating nya lang kaya wala syang karapatan."






Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now