46

768 34 0
                                    

Travis

Nandito na kami ngayon sa room. Grabe, parang kahapon lang umalis na yung mga kasama namin ngayon papasok nanaman kami. Makakapasok pa nga ba yung iba? Haha!

"Namimiss ko kaingayan ni Renz my goodness" sabi ni Star at napahilamos ng kamay.

"Malay mo naman, pumaㅡ"

"WAAAAAAAAAHHHHH!!!!!" Napatayo kami dahil may sumigaw sa pinto at agad tumakbo sa mga babae at yumakap.

"Sinong kasama mo? Omg!!!! Namiss kita!" Napatingin ulit kami sa pinto nang pumasok si Mark at Gian. Pagpasok na pagpasok palang ni Gian ay kumindat na sya kay... Maddie? Anong meron. Kalandian nito.

"Oy pre" sabi ko at yumakap na panlalaki syempre. Baka isipin pa bakla ako eh pogi ko kaya.

"Ilang oras byahe?" Tanong ni Maddie kay Gian.

"3hours pagtraffic eh alam mo naman dito, laging traffic"

"Goodmorning clㅡoh, haha. Hindi ako sanay" sabi ni miss Chin na kakapasok lang. Kahit kami ay hindi sanay na ganito.

"Aba, nagbago na pala kayo ng buhok ha. Inggit ako" sabi ni Solar. Oo nga pala, nagpagupit na ako kaya mas lalo akong pumogi. Ganun din si Vince na nagpakulay ng brown. Si Carl naman, nagpakulay lang ng mejo binawasan. Si Unice naman, nagstraight ng buhok at nagpakulay ng brown kagaya ng kay Vince. Edi sila na. Tapos si Star, nagpakulot at mejo Red brown ang buhok. Tapos si Jenny, teka iisa isahin ko pa ba? Basta yun. Si Jenny nagpa bangs din at nagpamanicure saka pedicure kasama si Madison.



"Mainggit ka talaga" sabi naman ni Star na hinahawi pa yung buhok.

"Miss!!!!!! Sorry nalate ako!!!" Sigaw nila Fionna, Renz, Gray at Hiro. Kaya agad din silang yumakap samin. Aba akalain mo nga naman, papasok pa pala tong mga ugok na to.

"Akala namin hindi na kayo papasok!" Sabi naman ni Maddie.

"Aba Fionna, lagi ka namang late kahit di ka natutulog dito. Sige,hintayin natin baka may papasok pa. Hindi ako sanay na ganito. Oo nga pala, si Kean?" Tanong niya kila Solar.

"Tinatamad daw po!" Sabi ni Gian.

"Ayan. Ayan ang sinasabi ko sa inyo." Sabi naman ni miss.

After 1 hour ay naghihintay pa din sila. Actually, nagchichismisan sa naranasan nila.

"Mukhang hindi na sila dadating. Hayaan mo na" sabi ni miss na medyo nalulungkot. Yung mga natanggap sa TY, hindi pumasok? Iba nga naman talaga.

"Miss anong topic?" -Unice

"Magkakaroon ng contest next week. Ang mga kasali lang, yung mga naiwan."

"What?"
"No!" Sigaw nila. Aba, ang OOA. Ako nga gusto ko eh.

"Ang OA nyo magreact. Kaya hindi kayo sinali, kasi busy na ang schedule nyo at hindi na makakapagpractice dito hanggang gabi. Hindi naman na kayo dito nakatira kaya mahihirapan kayo. So yun nga, makakalaban nyo, ST18B, ST17G, ST17B. Madami sila. Nasa inyo padin kung sasali kayo o hindi"


"Miss ano premyo?" Tanong ni Star.

"May mga judges syempre at kung sino ang manalo, magkakaroon ng trip to korea. Ang second place, trip to japan, yung third, sa palawan at ang last is dyan lang sa baguio."


"Hala miss gusto namin!!!! Walang matatalo." Sigaw ni Maddie kaya tumango ako at nagtaas.

"Sasali po kami!" Sabi ko at nagokay sign sa mga kasamahan ko

"Ang daya naman. Makakapagtrip na agad kayo at makakalaban pa" sabi ni Renz.

"Aba! Mas masaya naman yung napili ka sa isang company ng walang kahirap hirap no! Okay lang yan! Pagsumikat kayo, worldwide pa!" Sabi naman ni Jenny.

Pero may advantage din pala pag hindi ka natanggap. May kapalit lagi yung lungkot.

"Mamaya ang bunutan ng theme, Unice. I lead mo sila sa theater okay?  Sasamahan ko naman kayo so don't worry. Jenny, ikaw ang magpapasa sa registar ng mga forms nyo na nasa akin. Ibibigay ko sayo."

"Goodluck guys! Papanuorin nalang namin kayong magpractice. Kaya nyo yan!" Sabi ni Fionna.

"Hindi! Tuturuan nyo kami no!" Sabi ko. Hindi pwedeng manunuod sila. May nakukuha din naman silang steps sa company nila kaya kailangan nilang ituro samin yun.

Starfield University (Campus Queens 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora